Samantala, speaking of Direk Jay, tinanggal nga nga ang pelikula niya sa Sinag Maynila Film Festival, ang Walang Kasarian Ang Digmaang Bayan. Ang pagkakatanggal ay ibinalita noong Biyernes, February 21.
Ang pelikula ay sinasabing anti-Duterte film na pinagbibidahan nina Rita Avila, Sandino Martin, Arnold Reyes, at Oliver Aquino.
Matapang ang pelikula kung pagbabatayan ang trailer na may linya si Rita na, “Ako mismo ang papatay kay Duterte!”
Ayon sa Sinag Maynila, “After thorough review, found that there is substantial deviation from the submitted and approved script and that the film is no longer a faithful representation of the approved screenplay.”
Nais namang makipag-usap ni Direk Jay sa kanya si Direk Brillante para maipaliwanag kung ano at bakit nangyari ang ganito. Narito ang kabuuang statement ni Direk Jay.
“The reason that Brillante Mendoza and Sinag Maynila cited for their removal of WALANG KASARIAN ANG DIGMANG BAYAN from the festival is a flimsy way out to get rid of me and the film.
“Brillante Mendoza, sa meeting na naganap noong Feb. 20 sa Solar office, isa lang ang hiniling ko sa inyo- SABIHIN NYO LANG ANG TOTOO sa statement nyo at susuportahan ko kayo o hindi ako magsasalita.
“Nagsasalita ako ngayon at patuloy pa na magsasalita sa mga susunod na araw dahil nagsinungaling kayo.
“Iniimbitahan kita Brillante Mendoza at ang Sinag Maynila na makipag-usap sa akin sa harap ng media para sagutin kung ano ang nangyari sa pagitan ng presscon, kung saan ipinalabas ang trailer, at sa nangyaring meeting nuong Huwebes.
“Tayo ba ay Martial Law na at ikaw ang tagapagpaganap sa sektor ng pelikula, Brillante?
“Patuloy kaming makikipaglaban para sa tunay na kalayaan. Kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag.
“Makakaasa kayo na sa bawat kasinungaling ilalabas nyo, babalikan ko kayo ng tatlong katotohanan.
“Salamat.
I-FLEX
ni Jun Nardo