NAIS ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na amyendahan ang batas na nag-uutos sa miyembro ng media na mag-testify sa mga kaso ng droga na coverage nila.
Ani Rodriguez, hindi trabaho ng media ang dokumentasyon at tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa mga sangkot sa droga.
“Spare media from being forced to testify in court for drug cases,” ani Rodriguez.
Aniya dapat amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagsasabing ang miyembro ng midya na kasama ng mga awtoridad sa opersyon sa droga ay pipirma sa inventory ng nga nahuling kontrbando.
“They are also required to testify as witnesses during the hearings of these cases,” ayon kay Rodriguez.
Paliwanag niya, hindi trabaho ng media ang mag-document ng operasyon sa droga at magtestigo rito.
“They are there to cover law enforcement activities, not to participate in documentation and subsequently in hearings,” giit ni Rodriguez.
Aniya ilalagay ng batas sa panganib ang mga miyembro ng media na tetestigo sa mga nasabing kaso.
“The accused might get back at them (media) for testifying in their cases,” dagdag ni Rodriguez.
Nauna nang hiningi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na amyendahan ang nasabing batas.
(GERRY BALDO)