Thursday , May 2 2024

Kargo ng importers deretsong ihatid sa may-ari — BoC

IMINUNGKAHI ni dating Customs Commissioner Titus Villanueva sa isang media forum na baguhin ang sistema ng “processing of imports” sa Customs upang tuluyang maalis o mabawasan ang graft and corruption sa ahensiyang ito.

Ipinaliwanag ni Villanueva na ang kasalu­kuyang patakaran na pagbababa ng mga kargo bago i-release ay bukas sa ‘kotongan’ dahil ito ay pwedeng hanapan ng violations kahit malinis ang kargo para ibinbin at tubusin ng exporters.

Ayon sa patakaran, ‘exempted’ ang mga legitimate importers sa examination, kaya dapat i-release agad ang kanilang shipment.

Mawawala ang mga anomalyang ito kung deretsong ihahatid ang kanilang kargo at saka bayaran ang duties and taxes kapag nasa kamay na ng may-ari.

Ayon sa patakaran, ang mga shipment lamang ng hindi lehitimong importers ang dapat isailalim sa pagpoproseso, at hindi ang mga lehitimong importer.

(JSY)

About JSY

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *