Thursday , December 26 2024

Quo warranto ni Calida babala sa kongresista

AYAW suportahan ng mga kongresista ang quo warranto case na isinam­pa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN.

Ani House Deputy Speaker Johnny Pimentel, isang uri ng pananakot ito sa mga kongresistang sumusuporta sa renewal ng prankisa ng dambu­halang media company.

Sa panig ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez, ang quo warranto sa ABS-CBN ay labag sa Saligang Batas.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, “na-sa Committee on Legis-lative Franchise pa rin ang hurisdiksiyon sa prankisa ng ABS-CBN notwith-standing the quo warran-to case filed by the OSG against ABS-CBN.”

“The Committee on Legislative franchise is not precluded and con­ti-nuous to have juris­diction on the franchise renewal application of the latter,” ani Garbin.

Aniya, ang komite ay patuloy na mag-uusap patungkol sa aplikasyon at tumangap ng mga kailangan sa pagre- renew ng prankisa ng kom­panya.

“The Committee may continue to hear its app-lication and receive re-quirements to prove its qualification for renewal or may scrutinize if there is any grounds for dis-qualification,” paliwa­nag ni Garbin.

Inihayag ito ng kong-resis­ta kasunod ng pag-hahain ni Calida kahapon sa Korte Supre­ma ng quo warranto petition para balewalain ang prankisa ng media company.

Sa petisyon ni Calida, ang ABS-CBN ay luma-bag sa prankisa nila.

“…they are unlawfully exercising their legislative franchises,” ani Calida.

Ang “very urgent omnibus motion” mula kay Calida,  “will have a chilling effect on some of the representatives who will be attending the hearing” sa pagdinig sa committee on legislative franchises na may 11 franchise renewal bills ang ABS-CBN.

“Yung iba riyan, ti-ngin ko matatakot — ma-tatakot nang magsa­lita ‘yan if they are in favor of franchise,” ani Pimen­tel.

“I’m very sure that members of Congress will somehow some appre­hensions in expressing their views with regards to the renewal of the franchise,” dagdag niya.

Si Pimentel ay mi-yembro ng PDP Laban at awtor ng isa sa 11 panu-kala para sa renewal ng prankisa ng ABS-CBN.

Ang quo warranto ni Calida ay tanda umano na may go signal ng Malacañang.

“The Office of the Solicitor General will not file the case if there is no go signal from the higher ups. Now, that could be a clear signal to cong-ressmen who will be attending the hearings,” ani Pimentel.

“And we know very well also that the quo warranto filed by the OSG against Chief Justice Se-reno had also clearance from the higher ups,” dagdag niya.

Aniya panghihimasok sa mandato ng lehislatura ang ginawa ni Calida.

Giit niya, ang kongreso lamang ang may kara-patang magbigay, bagu-hin at mag-revoke ng prankisa sa ilalim ng 1987 Saligang Batas.

 (GERRY BALDO)

‘Press freedom’ minaliit sa quo warranto petition

WALANG ‘kinalaman’ sa press freedom ang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban sa ABS-CBN sa Korte Suprema.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, trabaho ito ng OSG  lalo na kapag may nakitang paglabag sa prankisa ang TV network.

Gayonman, walang kinalaman aniya si Pa­ngu­­long Rodrigo Duter­te sa ginawang hakbang ni SolGen Jose Calida.

Nanawagan si Panelo sa mga kontra sa ginawa ni Calida, na hilingin sa Kongreso ang paggaga-wad ng renewal ng prankisa ng ABS-CBN at hindi sa Palasyo.

“Let me stress this, its Congress that has the authority to grant or renew, not the President. Hindi ang Presidente, Kongreso ang magbibigay niyan. As you know the practice of the President, he doesn’t interfere on the function of Congress,” ani Panelo.

“E wala naman ko-neksiyon iyong press freedom, kasi unang-una ang Congress nga magga-grant or magre-review, ‘yun namang isa, nag-file ng petition kasi trabaho naman niya iyon e,” dagdag ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

Kanselasyon ng prankisa ng ABS-CBN pag-aralang mabuti — Poe

NANINIWALA si Senadora Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services na dapat pag-aralang mabuti ang kanselasyon ng prankisa ng ABS-CBN.

Ito ang naging reak-siyon ni Poe, matapos maghain ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para hi-lingin na ipawalang bisa ang prankisa ng ABS-CBN.

Kasabay nito, iginiit ni Poe na nakasaad sa Kons-titusyon na ang kongreso ang inaatasan o may hurisdiksyon sa usapin ng prankisa.

Sinabi ng senadora, isasagawa ang pagdinig nang patas at walang kikilingan.

Naniniwala si Poe na magdedesisyon ang korte nang patas at para sa interes ng nakararaming Filipino.

Aminado si Poe, hindi perpekto ang mga kom-panya tulad ng ABS-CBN ngunit dapat pag-aralan kung sapat ba o sobra ang parusang kanselasyon ng prankisa.

Pabor si Poe na pag-multahin ang television network kung talagang nagkasala o may pang-aabuso sa kanilang pri-belihiyo.

Iginiit ng senadora na dinggin agad ng kama­ra ang isyu sa prankisa ng ABS-CBN upang marinig ang lahat ng panig o mailabas ang saloobin hindi lamang ng kom-panya kundi maging ang mga nagrereklamo kaban sa ABS-CBN.  

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Ayaw mawala ‘Ang Probinsyano’
ZUBIRI BOBOTO PABOR SA ABS-CBN

INAMIN ni Senate Ma-jority Leader Juan Miguel Zubiri kung sakaling umakyat sa senado ang usapin hinggil sa prankisa ng ABS-CBN, siya ay boboto pabor dito.

Sinabi ni Zubiri, nata-takot siyang mawala ang teleseryeng ‘Probinsyano’ na araw-araw pinanonood ng kanyang mga kamag-anak.

Tiyak aniya na aawa-yin siya ng kanyang mother-in-law kapag bo-moto para sa pagpapa-walang bisa ng prankisa ng ABS-CBN.

Ani Zubiri, marami siyang kasamahang sena­dor ang pabor sa pagbi­bigay muli ng prankisa sa naturang network.

Isa sa mga tinutukoy ng senador ang mga kasamahan sa seatmate group na sina senators Nancy Binay, Joel Villa­nueva, at Win Gatchalian.

Kabilang ang nagbalik na si Senador Lito Lapid na gumanap na ‘Pinuno’ sa Probinsyano; Senadora Grace Poe, ang anak ni Susan Roces na gumaga­nap na Lola Flora; at si Senador Sonny Angara dahil ang asawa niya ay Vice President for Mar-keting ng ABS-CBN.

Bukod sa takot na mawala ang ‘Probin-syano’ nanghihina­yang din si Zubiri dahil ma-raming social respon­sibility na ginagawa ang ABS-CBN tulad ng Ban-tay Bata Foundation, pagbabantay sa kalikasan at pagtulong sa mga bik-tima ng kalamidad. (CM)

Sotto ‘no comment’

IWAS PUSOY si Senate President Vicente Tito Sotto III sa inihaing quo warranto petition ni SolGen Jose Calida sa Korte Suprema na hini-hiling na ipawa­lang bisa ang prankisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Sotto hindi siya makapag­bigay ng komento dahil daraan sa senado ang usapin at sila ang magdedesisyon kung ikakansela ang prankisa o hindi. Nais umano ni Calida na ma-forfeit ang legis-lative franchises ng ABS-CBN at subsidiary nito na ABS-CBN Conver-gence, Inc., dahil sa uma-no’y pag-abuso. (CM)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *