Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa unang kaso ng coronavirus… Maging malinis, huwag mag-panic

NANAWAGAN kaha­pon ang mga kongresista na huwag mag-panic matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ang novel coronavirus (n-Cov) sa Filipinas.

“Huwag ma-alarm. Basta maging malinis lang sa katawan hindi ka dadapuan ng virus,” ayon kay dating health secretary Janette Garin.

Ang coronavirus ay dala ng isang 38-anyos babaeng Chinese ayon sa DOH.

Base sa report, dumating sa bansa mula sa Wuhan China ang babaeng noong 21 Enero 2020 at kumunsulta sa doktor noong 25 Enero.

“Huwag tayong mag-panic dahil hindi ‘yan makatutulong sa proble­ma,” ayon kay Anaka­lusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Kaugnay nito, binati­kos ni Garin si Health Secretary Francisco Duque sa umamo’y hindi pagkonsulta sa mga opisyal ng DOH kung anong paghahanda ang dapat gawin.

“Mas naalarma ako kay Secretary Duque dahil parang hindi niya alam ang gagawin niya. Ayaw pa niyang gamitin ang expertise ng DOH officials na may experience na sa MERCoV at SARS. Wala siyang tiwala,” ani Garin.

Hindi rin umano nagpatawag agad ng command conference si Duque gayong ilang linggo nang pinag-uusa­pan ang n-Cov.

Umapela si Defensor sa Chinese nationals lalo ang mga galing sa Wuhan, China na agad magpa-check-up upang masiguro na hindi sila apektado ng n-Cov.

“It is for their safety and for the community,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, dapat matunton ang mga katabi ng biktima sa kanilang flight noong 21 Enero 2020 para matiyak na wala silang sakit habang nasa bansa.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …