IPINAHAYAG ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan ang kanyang sobrang kagalakan at pagkabigla nang tanghalin siyang Female Pop Artist of the Year. Ito’y para sa kantang ‘Di Ko Na Kaya sa katatapos na 11th PMPC Star Awards For Music na ginanap last Thursday sa Skydome, SM North EDSA.
Aniya, “Sa totoo lang po hindi ko talaga ini-expect na ako ‘yung matatawag, kasi mga big star po ‘yung mga naka-line-up sa category ko.
“I was just taking pictures and videos during that time ready to clap for the winner, pero ‘yun pala ako. Sabi ko nga po sa speech ko, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko kasi first win ko po ito sa PMPC and to be standing in front of the stars is such a big achievement already,” masayang saad ni Janah.
Wika pa niya, “I was just really grateful about this another blessing. What a way to start my 2020 career.”
Bigatin ang ibang co-nominees niya rito, may pressure ba sa kanya sa expectations ng fans sa bagong award na natamo? ”Well, wala naman pong pressure na ibinibigay sila sa akin, pero siyempre responsibility ko po ‘yun as an artist to become better sa aking crafts. Moreover, kailangan ko rin po panindigan ‘yung awards na ibinigay sa akin by showing what I’ve got po at hindi pagbigo sa title na iyon.”
Ano’ng next na aabangan ng fans sa kanya?
Tugon ng magaling na singer, “Oh… by the end of the month or first week of February, I’ll be releasing a new song fit for the month of love. Other than that, wala pa naman po ulit, patuloy lang ang paghihintay. Kaya check na lang po sa pages ko for updates.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio