Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marione daring sa bagong image, bida na sa pelikula!

HINDI namin nakilala si Marione (dating Marion Aunor) sa ipinakitang pictorial sa amin ni Daddy Wowie Roxas, talent manager nina Manila Mayor Isko Moreno at anak na si Joaquin. Daring kasi ang nasabing photo na kuha mismo nina Daddy Wowie at Nestor Macalinao.

Nang nakahuntahan namin si Marione, inusisa namin siya sa mga pagbabagong ito. Esplika ng talented na anak ni Ms. Lala Aunor, “Binago po tala­ga, dinagdagan ko po ng E sa huli. Kasi, parang change image na, ganoon na rin, change name. Para talagang bagong persona this year,” paliwanag ni Marione.

Sinong nakaisip na lagyan ng E sa huli ang screen name niya? “Wala po, nag-uusap-usap lang kami nina Daddy kung ano ba ‘yung mga gagawing changes, isa ‘yun sa mga nag-come-up na papalitan namin. So, yes, Marione lang, talagang drop na po ‘yung (Aunor). Bagong tao na ako, hahaha!”

Paano niya ide-describe ngayon ang kanyang image? “Bale, kasi rati pa ako may songs na talagang sensual or sexual, whatever. ‘Di ba nga ‘yung ginagamit sa Ex With Benefits, Always Be My Maybe, tapos laging nasa loveteam ni Arci (Muñoz) at Gerald (Anderson) or Coleen Garcia tsaka Derek Ramsay, lagi naman, eversince pa nagagamit sa mga sensual or loveteam na movie…

“So suggest lang po sa akin ni Daddy, bakit ‘di ko na lang bagayan sa songs ko ‘yung branding ko ngayon? Kaya ako nag-change image para talagang bagayan ‘yung music ko. Plus, mayroon din kasi akong bagong mga ilalabas na music this 2020 na ayun, more of that, more of ‘yung side ko na sensual nga. So parang feel ko rin na kailangan nga na bagayan ‘yung music ko,” saad ni Marione.

Bukod sa bagong ilalabas na kanta, sa peli­kula ay bida na si Marione via Togs na leading man niya rito si Gerald Santos at sa pamamala ni Direk Njel de Mesa.

“Ito po ‘yung second movie ko, pero this time, lead na po ako. And parang Rom-Com siya ng mga musician. So ‘yung title po ng movie is Togs, as in, ‘Uy togs tayo later. Parang raket tayo later,’ something like that. Love story ng musician ito at excited naman ako kasi ‘yung character na ibinigay sa akin, parang ibinagay din ni Direk Njel sa personality ko. So, feeling ko naman naka-deliver ako sa movie and makikita ‘yung acting type ko talaga.”

Pahabol ni Marione, “Excited ako this year kasi ang daming projects na lumalabas, may movie, mayroong bagong song, may bagong image. And maraming opportunities na dumarating dahil nga roon sa bagong image rin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …