IPINAG-UTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang manhunt operation sa isang foreign national na nakuhaan ng larawan habang ‘umeebal’ sa pampublikong lugar sa Intramuros, Maynila.
Inatasan na rin ng alkalde si Department of Tourism, Culture and Arts Manila (DTCAM) chief Charlie Duñgo na makipag-ugnayan sa administrador ng Intramuros kaugnay sa nasabing insidente.
Sa pahayag ng IA administrator na ipinadala sa Manila Public Information Office wala pang beripikadong ulat kaugnay sa larawan na kumalat sa social media.
“We are trying to get in touch with the one who posted this but he is not responding. We are concerned that instead of calling attention of guard who is posted there if true, the one who posted it is using this for anti-Chinese sentiment. We checked the site, its clean and no waste seen on site,” ayon sa IA Administrator.
Hindi matiyak kung Chinese o Taiwanese national ang nasabing dayuhan.
HATAW News Team