Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, happy sa pag-renew ng kontrata sa CN Halimuyak

PINASALAMATAN ng Cute Duo na sina Kikay Mikay ang owner at CEO ng CN Halimuyak na si Ms. Nilda Tuason sa pag-renew ng kontrata nila rito.

Mababasa ito sa kanilang FB post: “Thank You So Much CN Halimuyak for the second time around for choosing again cutest duo KikayMikay as one of your endor­sers, thank you so much madam Nilda Villafaña Mer­cado Tuason (CEO/Owner of this product)

Maraming salamat po for trusting Chi Min Jang and Leana Concepcion, to sir John Fontanilla thank you po.

Nabanggit naman ng mga talented na bagets na sina Kikay Mikay ang kanilang ine-endorse na produkto rito. “Napakaganda pong gamitin ng hand sanitizer dahil hindi mo po mapag­kakamalang sanitizer, dahil karaniwan po sa sanitizer ay sticky. Pero ‘yung sa CN Halimuyak po ay liquid at easy to use at napakabango, halos puwedeng maging cologne na rin,” wika ni Kikay.

Ayon naman kay Mikay, “Sobrang bait po ni Madam Nilda Tuason, super asikaso sa amin lahat at napaka-humble po niyang tao.”

Ang naka-line up nilang project ay sa noontime show na Yes Yes Yow sa IBC 13 na coming soon, under SMAC TV Production. Marami rin silang mga VTR for commercials at auditions for new movies.

Bahagi rin sila ng cast ng movie na School Campus with Awra Briguela, Carlo Cepeda, at iba pa. Mayroon din upcoming commercial si Mikay with Vhong Navarro. Katatapos lang nilang magpasaya ng mga taga-Malasiqui, Pangasinan sa imbitasyon ni Mayor Geslani para sa coronation night ng Miss and Mr. Malasiqui Pangasinan 2020.

Puwedeng i-follow ang mga talented na bagets sa FB: Kikay Mikay Fan Page: Kikay Mikay Youtube channel: Kikay Mikay Instagram, Mikay: leanaconcepcion18 Kikay: chiminjang, Follow FB kikay: Chi Min Jang, Follow FB Mikay: Leana Concepcion.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …