Friday , January 10 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kamara magsesesyon sa Batangas para sa rehab plan ng Taal victims

ANG Kongreso para sa tao ay isinasabuhay ngayon ng 18th Congress

Kasaysayan itong inuukit sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano. Hindi lamang sa survey ratings humahataw ang kamara at ang lider nito kundi maging sa mga “historic” at “record-breaking” performance tulad ng maagang pagpapasa ng pambansang badyet, pagsasabatas sa karagdagang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno at iba pang mga panukala na kabilang sa priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Heto ngayon ang karagdagan, isasagawa ang sesyon sa labas ng kongreso upang mailapit nang husto ang Kamara sa taong bayan.

Ngayong araw, Miyerkoles, Sa Batangas Convention Center gagawin ang sesyon ng Kamara upang pakinggan ng mga solon ang mga hinaing at pinagdaraanan ngayon ng mga lokal na pamahalaan, first responders, mga bakwit, at iba pang sektor na apektado ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Ang pagdaraos ng sesyon ng Kamara sa labas ng Batasang Pambansa Complex ay kauna-unahang mangyayari mula noong 1987. Hindi na makapaghintay ang mga mambabatas at nais na nilang pakinggan ang mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal upang mailatag ang isang malawakang rehabilitation plan para sa mga lugar at mga taong apektado ng naturang kalamidad.

Tama ang sinabi ni Speaker Cayetamo sa kanyang privilege speech na wala tayong masyadong problema sa first responders, relief efforts at pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa bansa ngunit may malaking butas o gap sa paglalatag at pagpa­patupad ng rehabilitation programs para sa pagbangon ng mga biktima ng kalamidad. Tandaan natin na hanggang ngayon ay mayroon pang mga hindi pa nakababalik sa kanilang tirahan na mga biktima ng pagsabog ng Mt. Pinatubo, bagyong Yolanda, at kaguluhan sa Marawi.

Agree tayo sa sinabi ni Speaker Cayetano na kailangan ng short at long term plan sa rehabilitasyon upang manumbakik ang turismo, negosyo at normal na pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad.

Kaya naman imbes magkomento ng kung ano-ano ang iba nating mga kababayan, hayaan natin ang ating mga mambabatas na gawin ang kanilang trabaho dahil hindi lamang ang mga panandaliang tulong ang kailangan ng mga biktima ng kalamidad kundi ang mga pangmatagalang solusyon kasama ang maayos na rehabilitation plan. Lalo ngayon na humihiling si Digong sa kongreso ng P30 bilyong supplemental budget para sa mga biktima ng Taal.

Hayaan natin na maging reliable, relevant at responsive ang ating kongreso para sa pag­kakaroon ng ligtas at komportableng buhay ang mga Filipino.

 

BIKTIMA NG BULKANG TAAL
NABIBINBIN SA MAGKAKAIBANG
DIREKTIBA NG GOV’T OFFICIALS

Ayaw nating isipin na tila nagpapatupad ng ‘hamleting’ ang pamahalaan lalo ang law enforcers sa mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Pero talaga namang naawa tayo sa mga residente na tila biglang naging estranghero sa kanilang sariling bayan o bahay dahil ni silip ay ayaw silang pasilipin ng mga awtoridad.

Kung nais ng mga awtoridad na hindi mapahamak ang ating mga kababayan, hindi ba’t dapat, na hindi lang sila basta nagbababa ng patakaran kundi nagpapaliwanag at pinakiking­gan rin ang hinaing ng mga biktima ng pagsabog?!

Hindi ba puwedeng bumuo ng task force na magliligtas sa mga alagang hayop ng mga residenteng apektado ng pagsabog ng bulkang Taal kung talagang concern sila sa kaligtasan ng mga biktima?!

Ang isa pang ikinalilito ng mga residente at negosyante bakit may order na lockdown sa lahat ng lugar o bayan na apektado pero sa Tagaytay ay walong barangay lamang?

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año kabilang sa lockdown ang walong (8) barangay kabilang ang Bagong Tubig, Kaybagal South, Maharlika West, Sambong, San Jose, Silang Junction South, Maharlika East, at Tolentino East.

Lahat ‘yan ay nasa ibabang bahagi ng Tagaytay.

Pero may utos din si Secretary Año, na ang pagbubukas ng mga negosyo ay nasa diskresyon ng local government units (LGUs), sa gawi ng Tagaytay ‘yan.

Kung sa bagay, hindi natin masisisi kung bakit nagkakaroon ng ganitong kalitohan kasi nga walang alternative ang mga biktima o mga bakwit kundi magtiis sa evacuation centers na walang tubig, kulang ang pagkain, at kulang din ang kanilang mga kagamitan.

Alam nating buhos ang suporta ng ating mga kababayan at ng pamahalaan pero ilang araw na silang wala sa  sariling tahanan.

Gusto rin nating itanong, ano ang plano ng provincial government ng Batangas para sa mga bakwit na nasa evacuation centers?!

Iyon din siguro ang gustong marinig ng mga biktima.

‘Yung assurance na sila ay makababalik sa normal na buhay habang hinihintay nilang pumayapa ang nag-aalborotong bulkang Taal.

At iyon po siguro ang pinagmumulan ng kalitohan. Ang dapat sigurong gawin ay ipirmis muna sa isang lugar ang bawat pamilya nang sa gayon ay makapamuhay muna sila nang normal.

Unti-unting hanguin sa evacuation centers ang mga bakwit at pansamantalang itira sa mga bahay, kahit paupahan na susuportahan ng pamahalaan.

At mula roon ay tulungan silang tumayo at bumangon nang dahan-dahan.

Puwedeng sabihin na madali lang sabihin ‘yan, pero kung magiging seryoso ang programa ng gobyerno, lokal man o nasyonal, tiyak na kayang abutin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *