Thursday , December 26 2024

Pangako napako — Colmenares… Cell sites ng 3rd telco apurahin

DAPAT silipin ng Kongreso ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod ng report na nahuhuli sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon, ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares.

Sinabi ni Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya ng communications tower at mga cell site.

Ani Colmenares, isang human rights law­yer, Hunyo 2019 nang mabigyan ng legislative franchise ang Dito Telecom, at Hulyo 2019 ay nakakuha na rin ng permit to operate sa Malacañang at Certificate of Public Convenience and Necessity mula sa National Telecom­mu­nciations Commission (NTC) ngunit makalipas ito, ang publiko naman ang ibinibitin dahil sa pagkakaantala ng kani­lang operasyon.

Ang Dito Telecom na dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel) ay isang consortium company na kinabibilangan ng Udenna Corporation (35% shares), Chelsea Logistics and Infrastructure Hold­ings Corp. (25%), kapwa pag-aari ng Davao-based businessman na si Dennis Uy at China Telecommu­nications Corporation (40%).

Bagama’t  nabigyan na ng permit to operate ang Dito Telecom na kasama sa consortium ang China Telecom ay muling iginiit ni Colmera­nes na dapat pigilan ng Kongreso ang pagpasok ng China sa Philippine Telecommunications sector.

“China poses a threat to the Philippines not only through its control of the energy grid but even in the telecommunications sector. Considering that we have a dispute with China because of its rapacious expansionism in the West Philippine Sea (WPS) and its trampling of our  sovereign rights, it is absurd for the Philippines to give it control of our tele­communications system. Besides it is already the middle of January what­ever happened to its operations which was approved last year,” ani Colmenares.

Marami aniyang pag­­ka­kataon na ini­rereklamo ng ibang bansa ng kasong expionage ang China na ginagamit ang kanilang mga telecom sa pag-eespiya, patunay umano rito ang report ng FireEye Mendiant, isang tele­communication watch­dog na nagsabing ang China ay nag-develop ng isang “MessageTap” malware na may kaka­yahang mag-hack ng SMS data sa mga texter.

“China can com­promise cellular networks by monitoring and saving SMS and extract messages. This is not only a violation of our right to privacy but even national security,” dagdag ni Colmenares.

Nais ni Colmenares na magsagawa ng imbes­tigasyon ang Kamara at i-withdraw ang pagpasok nito sa bansa.

“Congress should not only focus on its investigation into China’s hold of our energy grid but also its threat of holding one of the most vital and sensitive sector in the country, our telecommunications system.  Congress has the power to grant franchises and also the power to withdraw these especially if it poses a threat the country and the Filipino people.”

Giit ni Colmenares, kaibigan ng Filipinas ang China ngunit kung papa­yagan itong panghi­masukan ang karapatan ng bansa sa pamama­gitan na rin ng pagkontrol sa energy at telecom sector ay hindi malayong mangyari na masakop ng China ang bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *