Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diane de Mesa, swak bilang Princess of Love Songs

ISANG talented na singer-songwriter si Diane de Mesa na mahigit dalawang dekada nang nakabase sa Bay Area, California, USA. Ang Pinay na tinaguriang Princess of Love Songs ay isang Registered Nurse na tubong Olongapo.

Si Diane ay naka-apat na album na sa US at wish niya na mas makilala ng mga kaba­bayan dito sa Filipinas. “Iyon ang plano ko, na sana ay ma-release sa Filipinas ang mga album ko, para marami pang mga taong makarinig nito,” saad ni Diane.

Kadalasan ang kanta niya ay love songs na may hugot. Mostly, malulungkot na kanta ang naisusulat daw ni Diane kapag malungkot siya o broken hearted.

Siya ang nagpasikat ng mga kantang Miss Na Miss Na Kita, ‘Di Bale Na LangIf Only We Could Be TogetherMay Mahal Ka Na Bang Iba? at ang kayang current single na kasama sa latest album niyang With Love ay ang Tama Na. Sa apat na albums si Diane, tatlo rito ay puro kanyang original songs ang napa­paloob.

Nakabibilib ang nasabing mang-aawit dahil bilang isang independent artist ay nakaabot nang halos 200,000 streams, 65K listeners ang kanyang mga kanta sa Spotify kahit sabihing wala siyang konek­siyon sa anu­mang record labels at naga­wa niya ito nang nag-iisa.

Ang song niyang Miss Na Miss Na Kita ay naka-more than three million views sa Facebook.

Nabanggit pa niyang available digitally ang kanyang mga kanta. “Yes, puwede po nilang pakinggan sa Spotify, Youtube Music, iTunes, Apple Music. Every­where online po, hanapin lang nila, Diane de Mesa.”

Si Regine Velasquez ang hinahangaan niyang local singer. “Noong nagsisimula kasi akong kumanta, sikat na sikat siya, pati ang mga kanta niya. I love her songs kasi most of them ay ballads, tapos tungkol sa pagmamahalan. And minsan kasi, tulad ni Regine ay bumibirit din ako sa pagkanta,” aniya.

Kung bibigyan ng chance, wish din ni Diane na mag-concert sa Filipinas at makasama or maka-duet ang mga hinahangaan niyang sina Erik Santos, Michael Pangilinan, at Bugoy Drilon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …