Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

4 ‘tulak’ huli sa droga, pampasabog, baril at bala

DINAKIP ang apat na hinihinalang ‘tulak’ ng shabu nang makompis­kahan ng droga, pampa­sabog, baril at bala sa iki­nasang buy bust operation ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod, nitong Miyer­koles ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo ang apat na sina Michael Meneses alias Warlito, 38 anyos, residente sa Caloocan City;  Marineil Santos, alyas Robert, 35, Angel Retiro, alias Angel, 18, kapwa taga-Malabon City, at Von Edgar Barrientos, alyas Von, 27 anyos, ng  Panda­can Maynila.

Dakong 2:30 am nitong 15 Enero, nang ikasa ng mga operati­ba ng Station Drug Enforce­ment Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS4) sa pangunguna ni P/Lt. Col. Hector Amancia ang buy bust operation laban sa apat sa tapat ng Shell Gas Station sa Susano Rd., Novaliches, Quezon City.

Isang undercover operative ang nagsilbing poseur buyer  at sa aktong ibinibigay ng mga suspek ang biniling droga ay agad nagsilabasan ang nakakubling mga pulis saka dinakip ang apat na tulak.

Nakompiska sa apat ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy bust money, mga cellular phone na ginagamit sa kanilang transaksiyon, isang caliber .38 revolver, isang caliber .45 pistol mga bala at pampa­sabog.

Pinuri ni Gen. Montejo ang publiko dahil sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon sa kanila hinggil sa bawal na gawain ng mga residente sa kani-kanilang lugar.

“Dahil sa patuloy nating kampanya laban droga at sa tulong ng mga impormasyon mula sa publiko, nahu­huli natin ang drug suspects. Iimbestigahan din natin ‘yung iba na nahulihan ng baril baka involved sila sa iba pang krimen,” dagdag ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …