Saturday , November 23 2024

Walang pagtaas ng presyo ng isda sa Maynila kahit may shortage — Isko

PINAYOHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang fish dealers na huwag magtaas ng presyo ng isda lalo ang bangus at tilapia kahit may ulat na may kaku­langan o shortage dahil sa nararanasang kala­midad sa southern Tagalog partikular sa Batangas at Laguna.

Ayon kay Moreno, ang nasabing mga produkto ay mangga­galing sa Central Luzon at Cordillera Adminis­trative Region para punan ang supply ng isda sa Maynila.

Sinabi ni Moreno, ang karagdagang supply ay tiniyak sa ilalim ng direktiba ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Pinaalalahanan ni Moreno ang fish dealers na tanggapin ang nasa­bing supply mula sa norte dahil karamihan aniya ng dealers ay tumatanggap ng supply mula sa kani­lang mga suki.

“We already gave a directive sa aming market administrator, sa aming 17 markets na tanggapin lahat ng uri ng supply galing sa north kasi mayroon palang suki-suki, e kapag nawala ‘yung suking supply, hindi sila kukuha,” ayon sa alkalde.

“So kapag hindi sila kumuha, magkakaroon ng shortage, e meron naman palang enough na supply, pero sa ibang lugar nanggaling. Kaya wala silang dahilan para magtaas ng presyo,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *