Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madayang presyo ng Angkas pabigat sa mga pasahero

PATULOY ang paglabag ng Angkas motorcycle taxi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag­pataw ng surge charge na nagpapabigat sa mga mismong pasahero nito.

Nabatid mula sa Technical Working Group (TWG) na binuo ni Department of Tran­sportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na ipata­tang­gal ang Angkas bilang isang ride-hailing app dahil sa mga naitalang sunod-sunod na paglabag ng kompanya, kasama na rito ang panlilinlang sa publiko.

Kabilang sa mga nasabing paglabag ang pagpapataw ng surge, usaping pagmamay-ari ng isang foreign firm ang Angkas, at pag-o-operate sa mga lugar na labas sa mga itinakdang guideline ng TWG.

Anila, doble-kara ang Angkas dahil iba ang ginagawa nito sa sinasabi.

Kaugnay nito, humingi ng tawad sa LTFRB noong Miyekoles si George Royeca, Angkas chief transport advocate.

Matapos ang kanyang pag-amin sa mga nagawang paglabag ng kanilang kom­panya, nangako si Royeca na ititigil na nila ang surge charge.

Ngunit sa kabila nito, itinuloy ng Angkas ang asunto matapos maghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 223 upang hilingin ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa inilagay na 10,000 cap sa bilang ng mga rider na makabibiyahe nang legal.

Kasama sa petisyon ng Angkas ang pag-alis sa iba pang mga motorcycle-hailing app – tulad ng JoyRide at Move It – sa pilot testing na taliwas sa kagus­tuhan ng ilang samahang nagsusulong ng mga kapakanan at protek­siyon ng Pinoy commuters tulad ng Bantay Pinoy Commuters.

Ayon kay Oliver Maca­tangay, presidente ng samahan, parami nang parami ang mga nagrere­klamo dahil sa patuloy na paglabag ng Angkas sa mga kaligtasang pangtrapiko, gaya ng hindi pagsusuot ng helmet at vest ng mga rider at commuter, at maging ang paggamit ng mahinang klase at hindi awtoridasadong safety gears.

“Mabuti na lang, may dalawang alternatibo. Parang Grab din pala itong Angkas, laging nagkakaroon ng surge,” ani Macatangay.

“Creative overpricing and now insensitive, discriminatory actions — all in violation of guidelines. ‘Tinuloy ang asunto after apologizing. Sana gawin ng gobyerno ang tama at ma-blacklist na sila (Angkas). If not for insincerity at least for habitual violation and non-compliance,” dagdag niya.

Kasama sa mga inamin ni Royeca na sa 27,000 riders, umaabot lamang sa 3,000 hanggang 5,000 ang pumapasadang riders ng Angkas.

Itinanggi ni Royeca na pag-aari ng negosyanteng Singaporean ang kanilang kompanya. Kahit naka­re­histro sa Securities and Exchange Commission ang Angkas o DBDOYC, lumili­taw na 99.96 porsiyentong pag-aari ito ng isang dayuhan.

Itinatadhana ng Saligang Batas na hanggang 40 por­siyento lamang ang pinaka­malaking sapi na maaaring ariin ng isang dayuhan sa alinmang kompanyang Filipino kung nanaisin niyang magnegosyo sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …