Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Traslacion 2020, 16 oras naglakbay

UMABOT sa 16 oras ang pagbabalik ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church, ang itinuturing na pinakamalaking pru­sisyon sa Filipinas, na nagsimula sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila bago sumikat ang araw kahapon, 9 Enero.

Tinatawag na Tras­lacion, ang pagbabalik ng Itim na Nazareno sa loob ng Minor Basilica o Quia­po Church, na umabot sa loob ng 16 oras, ay sinasabing pinakamabilis kompara sa mga nag­daang taon.

Pumasok ang imahen sa loob ng simbahan dakong 8:49 pm kahapon, 9 Enero, na pinangu­ngunahan at pasan ng mga tinatawag na hijos.

Ang mga hijos ay mga boluntaryong pu­ma­­pasan sa Itim na Nazareno habang nasa gitna ng ‘alon’ ng laksa-laksang deboto na naghahangad na maha­wakan ang banal na imahen.

Ayon sa mga nama­hala, ang paglalakbay ay mabilis na nakarating sa finish line dahil sa barikada ng pulisya na inilagay sa unang hanay ng prusisyon.

Ang karosa ay idi­naan sa Finance Road dakong 5:12 am, mula sa Luneta.

Noong mga naka­raang taon, ang Traslacion ay inaabot hanggang madaling araw ng susunod na araw.

Ngunit ang mabilis na pagbabalik ng Itim na Nazareno ay hindi nagus­tohan ng mga deboto dahil para umano itong minadali.

Sa kasaysayan, ang itim an Nazareno na may koronang tinik ay dinala sa Maynila ng mga paring Augustinian nong 1607.

PAGDAMAY SA KAPWA,
MENSAHE NI DIGONG
SA PISTA NG NAZARENO

MATUTO sa halaga ng pag­damay at hindi ma­ging makasarili.

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duter­te bilang pakikiisa sa pagdiriwang kahapon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Lalong tumitibay ang pananalig ng mga mana­nampalataya sa tinagal-tagal ng debosyong iniukol sa Traslacion.

Sinabi ng Pangulo, ang mga kuwento ng himala na may kaugna­yan sa okasyon ay patu­nay na napakayaman ng relihiyon at kulturang naipamana sa atin.

Nanawagan ang Pangulo na magtulungan sa gitna ng inaasam-asam na mas magandang bu­kas para sa mga Filipino.

(ROSE NOVENARIO)

Mula sa bumigay
na karosa
BINATILYO, NABAGSAKAN
NG BAKALSA ULO
MULA SA KAROSA

SINAKLOLOHAN ng mga pulis ang isang binatilyong nabagsakan ng bakal sa ulo matapos bumigay ang gulong na bearing ng kanilang karosa habang kasama sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno nitong Huwe­bes.

Sa ulat, sinabi ng kinatawan ng pamilyang may-ari ng karosa na nabali ang bakal na pinagkakabitan ng bearing kaya nabagsakan ng bakal sa bumbunan ang kapatid na binatilyo na nasa ilalim ng karosa.

Agad nakapag­res­ponde ang mga pulis na nasa paligid ng pinang­yarihan ng insidente at sumaklolo rin ang isang team ng Philippine Red Cross na nasa paligid.

Isang babaeng deboto ang isinakay sa isang patrol rescue vessel nang biglang mahirapang hu­mi­nga sa Carlos Palanca Bridge.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …