Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa Traslacion… Signal sa Maynila, karatig-lungsod pinutol sandali

PANSAMANTALANG ipinaputol ang signal sa lahat ng linya ng komu­nikasyon sa Maynila at karatig lungsod, ng National Telecom­mu­nications Commission (NTC) sa Globe Telecom at Smart Communication Inc., para sa Traslacion 2020.

Ito, ayon sa NTC, ay base sa direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director, P/BGen. Debold Sinas na putulin ang network service simula 11:00 pm kahapon hanggang 12:00 noon sa Biyernes.

Ito ay kaugnay sa pag­pa­patupad ng seguri­­dad sa Kapistahan ng Quiapo at Traslacion nga­yong araw ng Huwebes.

Nakasaad sa NTC order na dapat ay walang signal sa mga lugar na tinukoy ng NCRPO para sa nasabing mga oras.

Sa abiso ng Smart, bukod sa Maynila damay din ang kalapit siyudad na mawawalan ng signal gaya ng Pasay, Malabon, Caloocan, Makati, San Juan, Mandaluyong at Quezon City.

Bukod sa signal jammer, mayroon din ide-deploy na mobile jail bus, CCTV sa lahat ng daraa­nan o ruta ng prusisyon.

Ibabalik ang signal sa hudyat ng Philippine National Police.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …