SUPALPAL ang inabot ng ilang mga walang modong bashers ni Arjo Atayde at ito’y nanggaling kay Maine Mendoza mismo.
Nag-trend kasi noong isang araw ang #NoToArjoTheUser na ipinagpapalagay na galing sa ilang AlDub fans nina Maine at Alden Richards.
Pero ang buweltang Tweet ni Maine rito ay: “Wow, some ‘fans’ made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo.”
Bunsod nito ay mas nag-trending ang #YesToArjo. Patunay na marami na ang sumusuporta sa relasyon nina Maine and Arjo at ‘di na nag-iilusyon sa estado ng relasyon ng kanilang idolong Dabarkads na love team.
Actually, dahil sa ginawang ito ni Maine ay maraming netizens ang bumilib sa kanya dahil hindi siya nagpasindak sa bashers at game niyang denepensahan ang BF na si Arjo.
Pinasususpetsahang nagsimula ang pangba-bash kay Arjo dahil sa ginawa nila ni Maine na dance-cover ng Tala ni Sarah Geronimo. Ang naturang Tweet ay kinagiliwan ng marami at nag-viral pa.
Anyway, hindi ko maisip kung saan nanggaling ang pakulo ng ilan na user si Arjo na bukod sa napakahusay na actor, napakabait ding anak at kapatid ng binata nina Ms. Sylvia Sanchez at Sir Art Atayde, plus napakagaling pang makisama sa press.
Sa totoo lang, bago nagkamabutihan sina Arjo at Maine, may career na si Arjo. Katunayan, sa stint niya sa FPJ’s Ang Probinsyano pa lang bilang main kontrabida ni Coco Martin, kinilala na ang husay ni Arjo at maraming acting awards na siyang hinakot. So, bakit kailangan niyang manggamit at paano siya naging user?
Sa totoo lang (ulit), kung mahal talaga ng AlDub ang kanilang mga idolong sina Maine at Alden, dapat ay maging maligaya sila sa success ng respective careers at personal happiness ng dalawa. Ganoon lang po kasimple iyon at hindi na kailangan ng maraming tsetse bureche para maintindihan iyon. Kaya dapat na nilang tantanan sina Maine at Arjo dahil nagsasayang lang sila ng oras at effort!
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio