Sunday , November 24 2024

Juday, Allen, Direk Brillante wagi; Mindanao humakot ng awards!

HUMAKOT ng awards sa nagdaang Metro Manila Film Festival ang pelikulang Mindanao na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon, at mula sa pamamahala ni Direk Brillante Mendoza. Take note, major awards ang nakuha ng pelikulang ito.

Sa kabuuan ay 11 awards ang nakuha ng Mindanao, kabilang dito ang Best Actress (Judy Ann), Best Actor (Allen Dizon), Best Director (Direk Brillante) at Best Picture. Wagi rin ang Mindanao ng Best Child Performer (Yuna Tangod), Best Float, Best Sound, Best Visual Effects, Gender Sensitivity Award, Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award, at FPJ Memorial Award.

Si Juday ay favorite talaga ritong manalo as Best Actress dahil bago ang 45th MMFF ay nagwagi siyang Best Actress sa Cairo International Film Festival. Sa Best Actor naman, sina Aga Muhlach ng pelikulang (Miracle In Cell No.7) at Allen ang sinasabing mahigpit na magkalaban.

Definitely, mas nagus­tuhan ng mga hurado ng MMFF ang performance ni Allen na ginamit ang tech­nique ni Direk Brillante na no-acting acting. Kumbaga, mas gusto kasi ni Direk Brillante na natural ang pag-arte ng mga artista sa kanyang pelikula.

Kabilang sa highlight ni Allen dito ang pag­kamatay ng kanyang ka­i­bigan ha­bang luma­laban sila sa gera at ang pag­yao ng anak nilang may sakit na cancer. Iba ang ipi­na­kitang emo­syon at atake rito ni Allen na wala siyang paki kahit tumu­lo pa ang kan­yang uhog.

Tama ang sabi ni katotong Roldan Cas­tro na hindi na kuwes­tiyonable kung nanalo si Allen dahil kahit sa ibang bansa ay kinikilala ang husay niya at ang kanyang natural na pag-arte. Sa totoo lang, wala nang dapat patunayan si Allen pag­dating sa acting awards dahil sa ngayon ay naka­kuha na siya ng 35 acting trophies kabilang dito ang Gawad Urian, nine (9) international Best Actor, including ang A-List Best Actor niya sa Warsaw Film Festival.

Aminado si Allen na hindi niya ine-expect na manalo rito. Ibinahagi rin ni Allen kina Aga, Rocco Nacino, at iba pang co-nominees ang napana­lunang award dito at sinabing umaasa siyang ang mga curious moviegoer ay manonood ng kanilang pelikula. “Kasi iyong mga gusto pang manood, wala silang mapuntahan na mga sinehan. So, sana, dag­dagan nila iyong mga sinehan,” saad ni Allen.

Sa Mindanao, gumaga­nap si Allen bilang si Malang Datu Palo, isang sundalo na medic din. Dito, habang nasa gitna siya ng digmaan, ang asawa niyang si Judy Ann as Saima ay nakiki­paglaban din dahil may cancer ang anak nila at gagawin niya ang lahat para maibsan ang paghihi­rap nito sa kanyang karam­daman.

Sana ay madagdagan pa nga ang mga sinehan ng pelikulang Mindanao para mas marami pa ang maka­panood nito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *