PATULOY sa paghataw sa takilya at sa puso ng bawat Filipino ang laugh-a-minute movie na The Mall, The Merrier ng patok na patok na tandem nina Vice Ganda at Anne Curtis. Hindi mabilang ang mga nanood ng feel good movie sa mga sinehan ‘di lamang sa Metro Manila kundi sa buong Filipinas na rin.
Ito ang unang pagtatambal nina Vice at Anne na dalawa rin sa mga main hosts ng It’s Showtime ng Dos.
Lubos naman ang pasasalamat ni Vice sa milyon-milyong mga Filipino na walang sawang sumusuporta sa kanya. Para rin kay Vice, may suwerteng dala ang dinadalang sanggol ng napakaganda at kuwelang si Anne sa kanyang sinapupunan na itinuturing niyang Showtime Baby.
Patuloy pa rin dinadagsa ang The Mall, The Merrier sa mga sinehan ilang araw matapos ang higanteng opening nito sa takilya noong nakaraang Pasko.
Patunay ito na talagang laughter and fun kasama ang buong pamilya at madlang people are the best medicines na talagang kailangan ng bawat Pinoy tuwing Christmas season.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio