Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Mike tiniyak na mag-eenjoy ang fans ni Bossing Vic sa Mission Unstapabol: The Don Identity

Isang action-comedy na may puso, ito ang pagsasalarawan ni Direk Mike Tuviera sa kanilang MMFF entry na Mission Unstapabol: The Don Identity na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Aniya, “Kasi ano sila eh, parang tinatawag sa Hollywood na hype film, yun talaga yung genre na pinuntirya namin. Pero siyempre sa Filipino, importante yung mag-enjoy, matawa ang audience. At sa amin naman, importante palagi yung puso, kaya sinigurado naming hindi nawawala ‘yun kahit na minsan siyempre naglolokohan yung mga artista, mga characters, pero nandoon pa rin yung puso.”

Paano niya ide-describe si Bossing Vic sa pelikulang ito? “Ano po siya inspiring, kasi inspiring na nga yung character niya, kasi sa umpisa ng pelikula, bagsak na bagsak ang character niya, eh. So parang may redemption yung character niya, so inspiring. Pero bilang artista rin at producer, napaka-inspiring niya, kasi grabe yung support niya sa ‘yo. Hindi lang sa director, sa bawa cast, kasi lagi siyang very open sa suggestion. Minsan nga yung ibang artista nahihiya lang humingi ng advice sa kanya lalo na ‘pag comedy, lalo na ‘pag timing ang pinag-uusapan. Pero si Bossing is very unselfish sa pagbibigay ng guidance, sobrang inspiring niyang katrabaho.”

Nabanggit pa ni Direk Mike na nag-action dito si Bossing, “Yes, oo. Na-aano nga ako sa kanya eh, kasi may mga ibang action scenes na sabi ko sa kanya, ‘Double na ‘to Bossing ha, kasi medyo mahirap.’ Pero sabi niya, ‘Hindi, kaya ko na iyan.’ Mga ganoon, hahaha! Kaya makikita mo kung gaano siya ka-driven. That’s why, I think ang dami ring blessings ni Bossing, kasi grabe din yung pagka-driven niya, yung drive niya sa trabaho niya at yung malasakit niya sa lahat ng katrabaho.”

Mag-eenjoy ba ang lahat ng Dabarkads dito, lalo na ang fans ni Bossing? “Ay opo, sigurado po. Kasi kumbaga yung bossing brand, mukha namang naabot namin, mataas naman talaga ang standards ni Bossing, pero mukha namang naabutan namin. Kasi noong pinanood po niya yung finish product, naging masaya siya. So, sigurado akong magiging masaya rin ang fanbase niya,” masayang pahayag pa ni Direk Mike.

Tampok din sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity sina Maine Mendoza, Pokwang, Jake Cuenca, Jose Manalo, Wally Bayola, Tonton Gutierrez, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …