Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Quan, nag-eenjoy sa TV and movie projects na natotoka sa kanya

PATULOY ang pagiging abala ng showbiz career ni Richard Quan. Kapwa abala siya sa mga proyekto sa TV at pelikula.

Inusisa namin siya sa mga project niya ngayon. “Yes, may movie ako starring Enchong Dee at Jasmine Curtis Smith, Rhed Bustamante, tatay ako ni Enchong dito, anak ko rin si Rhed, pero wala pang final title ‘yung movie.

“Kakatapos ko lang din ng dalawang iWant TV series – isang with Khalil Ramos directed by Real Florido na Adik Sayo at ‘yung isa, patapos pa lang with Julia Barretto, Ina Raymundo… directed by Dwein Baltazar. Ang title nito ay I Am You. Plus some TV guestings like sa Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman,” pahayag ng veteran actor.

Mula nang nanalo siya ng acting awards, mas dumami ba ang projects niya? Tumaas din ba ang kanyang talent fee?

“Same load of projects pa rin, mas demanding lang ang role – karamihan iyakan,” nakangiting sambit ni Richard.

Dagdag niya, “Same talent fee pa rin – no rush na magtaas ini-enjoy ko naman ang pag-arte, lalo na kapag mahuhusay ang co-actors at directors ko. So far, okay lahat ng mga katrabaho ko.”

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa TV or movies?

Tugon ni Richard, “Pareho kong ini-enjoy ang TV and movie, although mas kakaiba ang characters sa movie, lalo na kapag indie films.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …