Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cool Cat Ash, alive na alive kung mag-perform

IBANG klase ang stage pre­sence ng talented na singer/song­writer na si Cool Cat Ash. Alive na alive kasi siya kung mag-perform, with matching electric guitar pa. Si Cool Cat Ash na kilala rin dati bilang si Ashley Aunor ay bunsong anak ng dating teenstar na si Ms. Maribel “Lala” Aunor.

Isa si Cool Cast Ash sa nag-perform sa benefit concert na Can’t Stop The Feeling na ginanap sa Music Museum recently. Ito’y pinamahalaan at tinampukan ni katotong Ambet Nabus with LA Santos, Joaquin Domagoso, Liezel Garcia, Miles Ocampo, Lexi Gonzales, Atak Araña, Jayson Gainza, Atty. Bruce Rivera, at Marion Aunor na humataw dito sa kanyang mga sikat na hugot songs.

Bukod sa opening number nila, bumanat ng rock na Christmas song si Ashley dito, plus siyempre, kinanta rin niya ang kanyang single na Mataba with matching production number pa. Habang kumakanta, siya ay sumasayaw, tumatakbo, at practically ay naglampaso sa stage si Ashley sa isa niyang song number nang nagpaikot-ikot siya sa sahig, to the delight of the audience.

Obviously, may pinagmanahan si Ashley ng talento sa musika dahil kilala sa husay sa pagkanta si Ms. Lala, pati na ang kanyang ate Marion.

Nakatutuwa dahil ang lakas ng dating ng single niyang Mataba na tungkol sa pagkontra sa body shaming.

Anyway, congrats ulit kay Ambet at sa lahat ng bumubuo ng benefit concert na ito na ang proceeds ay mapupunta sa Bahay Aruga Foundation.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …