NABABAHALA ang Palasyo sa pagbasura ng Sandiganbayan sa ika-apat na forfeiture case laban sa pamilya Marcos.
Gayonman, tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi makikialam ang Malacañang sa kaso.
“Any government is concerned with the case filed by it against perceived transgressors of the law but it’s the court that always decides whether you have a case against the accused,” ayon kay Panelo.
“As we have repeatedly said we never interfere with the decision of the court. The court will always decide on the basis of evidence,” dagdag niya.
Batay sa 58-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, karamihan sa mga documentary evidence na isinumite ng PCGG ay photocopies, malabo na at hindi na mabasa kaya’t ibinasura ang P200-b forfeiture case laban sa mga Marcos.
(ROSE NOVENARIO)