Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulong ng Senado, Kongreso hiniling… ‘Korupsiyon’ sa TWG sumingaw

MAY iregularidad sa nabagong proseso ng technical working group (TWG) para sa pilot run ng motor­cycle taxi.

Ayon sa civil society groups na orihinal na miyem­bro ng TWG, kataka-taka na bigla silang hindi isinali sa mga pagpupulong lalo na pagdating sa mga kritikal na usapin sa pilot run.

Nagulat sila nang may mga ulat na nagla­basan na may rekomen­­dasyon umano ang TWG at ito ang 6-buwang ekstensiyon sa pilot run ngunit mapabibilang umano ang ilang bagong motorcycle taxi operators.

Ibinahagi ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nasabing mga iregula­ridad sa kasalukuyang proseso ng TWG at kasa­ma ang iba pang grupo ay humingi ng saklolo sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso upang imbestigahan ang nasabing mga kaga­napan.

Bukod sa kaduda-dudang hindi pag-iimbita sa kanila sa ilang mga importanteng pulong ng grupo, ipinagtataka umano nila ang reso­lusyon ng ‘tanging’ apat na kinatawan ng TWG para sa extension ng pilot run at higit pa rito ang pagpapalahok sa ibang bagong motorcycle taxi operators.

Nagsampa ng peti­syon ang civil society groups na bahagi ng TWG ngunit tila tinang­galan ng karapatang ma­pa­bilang sa mga pagpu­pulong para imbestiga­han ng Senado at ng Kamara ang umano’y nagaganap na mga iregu­laridad.

Pinalagan ng grupo ang hindi makatuwiran at ‘secret meetings’ ng Department of Trans­portation (DOTr), Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTRFB), Land Transportation Office (LTO) at Inter-Agency Council for Traffic (IACT), bago magpa­la­bas ng resolusyon.

“Bakit hindi kami ipinatawag bilang isang buong grupo ng TWG? Bahagi kami ng orihinal na TWG na nagtrabaho upang masusing pag-aralan ang business model ng motorcycle taxi sa bansa,” ani Atty. Inton ng LCSP.

“Lagi kaming nagpa-follow up sa kanila at humihingi ng update sa pilot run pero walang ibinibigay na impor­masyon sa amin,” dagdag ni Inton.

Nasa press briefing din kahapon sina Jason Salvador, Managing Direc­tor ng Legal Engagement Advocating for Development and Reform (LEADER), Atty. Victor Pablo Trinidad ng MMDA, at Ariel Lim na consultant sa tanggapan ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay Lim, ang Senado ang siyang nagbi­gay ng “green light” para magkaroon ng pilot run ang nag-iisang awtori­sadong motorcycle ride hailing app platform na Angkas.

Ngunit, ayon kay Lim, hindi naging madali ang proseso para sa Angkas dahil mahigpit ang pamantayang ibini­gay ng iba’t ibang ahen­siya para matiyak na ang operasyon ng motorcycle taxi ay ligtas.

Kaya, ani Lim, labis siyang nababahala kung bakit tila umano napaka­daling payagan ang bagong mga motorcycle taxi operators na maka­pasok sa pilot run gayong hindi pa nagkakaroon ng resolusyon hinggil sa pamantayan.

“Wala kayang corruption dito? Kasi, hindi dapat gawing biro ang pagbibigay ng prankisa,” ayon kay Lim.

Binatikos din ni Lim ang tila ginagawang ‘pagnenegosyo’ sa pilot run.

“Negosyo na yata ang iniisip ng iba. Kung sino ang may pera, puwede nang sumali? Mahirap po ‘yan dahil buhay ang nakasalalay dito,” pagbibigay-diin niya.

Sinabi ni Lim, ang rekomendasyong isi­numite ng DOTr, LTFRB, LTO, at IACT ay hindi kumakatawan sa buong TWG.

“Walang bisa ang magiging desisyon ng apat na miyembro lamang ng TWG dahil dapat ito ay pirmado at sinangayonan ng buong grupo,” ani Lim.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …