Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show Cause Order vs 106 Manila brgy. chairmen isinilbi ng DILG

INIHAYAG ng Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) nasa 106 barangay chair­persons sa Maynila ang pinadalhan ng show cause order sa hindi pagsunod sa ipinatupad na nation­wide clearing operations.

Ayon kay DILG Under­­secretary for Barangay Affairs Martin Diño, sa nasabing bilang ng mga chairpersons, anim ang hindi sumagot.

Dahil dito, nakatakda nilang sampahan ng kaso sa Office of the Ombuds­man ang anim na bara­ngay chairpersons habang hini­hintay ang desisyon ng City Council para malaman kung anong hakbang ang kanilang gagawin.

Bukod dito, sinabi ni Diño, nasa 101 alkalde ang inisyuhan ng DILG ng show cause order para pagpaliwanagin kung bakit hindi nila naipa­tupad ang utos ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Sinusubaybayan din ng DILG ang mga gover­nor na hindi tumutulong o hindi umaaksiyon sa kawalang kilos ng kani­yang mga alkalde.

Kada ika-apat na bu­wan ay may bali­dasyon ang DILG sa local govern­ment officials kung napa­panatili nilang maayos at malinis ang kanilang nasasakupan.

Iginiit ni Diño, ang Mabuhay lanes at national roads, ay dapat na walang nakahimpil o nakagarahe at malinis sa obstruction order at kung sakaling may mga pasa­way, agad itong iulat sa kanilang tanggapan.

Ang naging pahayag ni Diño, kasunod ng balitang nagbubunyi ang ilang barangay officials makaraang kanselahin ang barangay elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …