Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela Padilla, okay lang maging second choice sa Miracle in Cell no. 7

Kabilang sa pelikulang dapat abangan sa darating na MMFF ang Philippine remake ng Miracle in Cell No. 7 na tinatampukan nina Aga Muhlach at Bela Padilla.

Sa pelikulang ito, ginagampanan ni Aga si Lito, isang mentally impaired na ama na nabiktima ng maling paratang ng kasong sexual assault at murder ng isang batang babae. Si Xia Vigor ang gumanap bilang batang anak ni Aga na si Yesha, na nang lumaki ay naging abogada na ginampanan naman ni Bela. Si Yesha ay ginawa ang lahat dito upang patunayan na inosente ang kanyang ama sa mga paratang.

Ang iba pang mga aktor na bahagi ng pelikula ay sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soli­man Cruz, John Arcilla, at Tirso Cruz III. Ito ay mula sa pama­ma­ha­la ni Direk Nuel Naval.

Nabanggit ni Bela na walang kaso sa kanya kung second choice siya sa pelikulang ito na dapat ay gagampanan ni Nadine Lustre. ”Kahit iyong 100 Tula Para Kay Stella hindi naman ako first choice. I really believe it’s what you bring to the project, I’m very happy to take over the role.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …