Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jef Gaitan at Paul Hernandez, nagkakamabutihan na?

NAKAHUNTAHAN namin si Jef Gaitan kamakailan at pabiro namin siyang sina­bihan na hanggang sa commercial ay tuloy ang love team nila ni Paul Her­nandez. Magkasama kasi ang dalawa sa commercial ng Jinro Soju, isang kilalang brand ng liquor na nag-originate sa South Korea.

Ang manager ni Jef na si Ms. Therese ang tumulong para maka­sali si Paul sa natu­rang commercial.

Tumawa muna si Jef, bago suma­got, “Oo nga po. Iba kasi ang bond namin ni Paul and talagang close kami. I love the whole TVC and ‘yung concept. I am a K-drama fan and I guess the feel of it, kahit doon man lang, masaya na ako na naramdaman ko to work as K-drama or a pretend Koreana, hahaha!”

Kumusta ang feedback sa commercial nila? Favorite niya bang inumin talaga ‘yun?

“So far magaganda naman po ang nababasa kong feedback,” aniya.

Saad ni Jef, “And yes, I love Soju. I actually drink Jinro. Me and my friends that has actually sealed our bond and since then, soju na ang drink namin for a get together.”

Sina Jef at Paul ay nagkasama sa peliku­lang Marineros ni Direk Anthony Hernandez. Masasabing suki na siya kay Direk Anthony dahil third movie na niya kay Direk, na ang naunang dala­wa ay Surrogate Mother at ang Silent Morning.

Samantala, nang makausap ko naman si Paul at usisain kung na-develop na ba sila dahil madalas silang magkasama lately, may halong biro ang naging sagot niya. “Nagkakadevelopan na kami… nade-develop ‘yung chemistry and professional relationship namin. Nagiging mas at ease na kami sa isa’t isa kaya nagiging mas madali ang trabaho namin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …