Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elaine Yu, type sundan ang yapak ni Cherie Gil

TALAGANG type ng newbie actress na si Elaine Yu na sumabak sa pagiging character actress. Sino kaya ang gusto niyang sundan, ang yapak o maging peg sa mga aktres sa kasalukuyan?

Esplika ni Elaine, “Ang tingin ko talaga ay parang si Ms. Cherie Gil, pero sa itsura kasi parang feeling ko ay ‘yung mga tipong roles ni Ms. Kris Aquino or Ms. Maricar Reyes. Pero ang dream ko talaga ay maging magaling na kontrabida na tulad ni Ms. Cherie Gil.”

Dahil wish niyang maging kontrabida talaga, sinong artista ang type niyang apihin o sampalin?

“Si Liza Soberano, kasi para sa akin, mas masarap apihin ‘yung magaganda hahaha! Iyon ‘yung mga batang wala pa talaga silang… like si Sharon Cuneta, mayroong Cherie Gil. So baka kailangan nila, parang ganoon,” aniya.

So gusto niyang maging Cherie Gil ni Liza Soberano? “Si Liza kasi ay manager niya si Tito Ogie, so alam ko naman na mabait siya. ‘Tsaka hindi ko pa kasi talaga siya nakikitang inaapi, mostly ng mga ga­noon… sina Kathryn Bernardo ang inaapi, sila Claudine (Barretto) dati. Si Liza parang hindi pa, si Nadine hindi pa rin. Si Kathryn kasi inaapi na talaga iyan sa Mara Clara pa, ‘di ba?”

“Oo naman, fan ako ni Liza, kasi bukod sa talented siya, pinaghihirapan niya ‘yung mga roles niya, mabait siya talaga, tsaka humble,” masayang saad ni Elaine.

Nabanggit din ni Elaine na recently ay naging co-host siya ni Ambet Nabus sa Tsismax ng DZMM teleradyo at nag-enjoy siya nang husto. Mukhang okay siya bilang co-host dahil nagustuhan siya ng management ng DZMM kaya pinabalik siya ulit bilang guest co-host.

Si Elaine na talent ni katotong Ogie Diaz ay napanood sa Nabubulok na isang Cinemalaya film ni Direk Sonny Calvento, sa Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dizon, at Two Love You nina Yen Santos, Lassy Marquez, at Kid Yambao.

Sa taong 2020, posible siyang mag-co-venture sa Spring Films nina Piolo Pascual. Inaayos na rin ang next movie niya, kaya malamang mas magiging active ang magandang anak ni Atong Ang sa showbiz sa pagpasok ng bagong taon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …