Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PHil pinas China

Mayorya ng mga Pinoy nababahala… Chinese workers banta sa seguridad

MARAMING Pinoy ay nababahala sa paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa, na ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) — 52 percent ng respondents — ay naniniwalang banta sa pambansang seguridad ang mga nasabing dayuhan.

Sa nationwide poll na isinagawa noong 27-30 Setyembre 2019 sa 1,800 adults, lumitaw na 70 percent ng mga Pinoy ay naaalarma sa duma­raming Chinese na nag­tatrabaho sa bansa.

Nasa 31 percent ang nagsabi na labis silang nag-aalala, 39 percent ang medyo nababahala, 19 percent ang hindi ma­syado, at 11 percent ang hindi naaalarma.

Ang proportion ng mga nababahala sa dumaraming Chinese nationals na nagtatra­baho sa Filipinas ay pinakamataas sa Metro Manila sa 75 percent, sumusunod ang Visayas sa 71 percent, rest of Luzon sa 69 percent, at Mindanao sa 67 percent.

May 12 percent ng mga sumagot sa survey ang nakapuna na ma­syadong maraming Chinese workers sa kanilang lugar habang 19 percent ang nagsabing medyo marami sa kani­lang lugar.

Gayonman, 25 per­cent ang nagsabing kaunti lamang ang Chinese workers sa kanilang lugar at 44 percent ang may obserbasyon na wala.

Lumitaw sa survey ng SWS na ang Chinese workers ay “most visible” sa Metro Manila na may 43 percent, sumusunod ang Visayas sa 37 percent, balance sa Luzon sa 28 percent, at Mindanao sa 19 percent.

Nasa 27 percent ang mariing sumasang-ayon at 25 percent ang ba­hagyang sumasangayon na ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa Filipinas ay banta sa pangka­lahatang seguridad ng bansa.

Ang net agreement, na ang lumolobong bilang ng Chinese workers sa bansa ay isang banta sa pang­kalahatang seguridad ng bansa ay pinakamataas sa Metro Manila sa “very strong” na +38; sumu­sunod ang rest of Luzon sa “moderately strong” +27; Mindanao sa “moderately strong” +21; at Visayas sa “moderately strong” +15.

Ang pagkabahala ng mga Pinoy sa pag­dagsa ng Chinese workers sa bansa ay bukod pa sa kanilang pangamba sa posibleng pagkontrol ng China sa nag-iisang power grid ng Filipinas.

Napaulat na kayang-kaya ng China na patayin ang daloy ng elektrisidad sa bansa sa pamamagitan ng remote control na halos 40 porsiyento ang pag­mamay-ari ng State Grid Corp., ng China sa National Grid Cor­poration of the Philip­pines (NGCP).

Gayondin, nababa­hala ang mga Pinoy sa kasunduan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng third telecommunications player ng bansa, ang Dito Telecommunity Corp., na dating Mislatel.

Ito’y dahil isang probisyon sa kasunduan ang nagpapahintulot sa consortium na binubuo ng China Telecom at Udenna Corp., na magtayo ng system, towers at facilities sa loob ng military bases sa bansa na nagdulot ng pangamba sa posibleng pag-eespiya at iba pang security risks.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …