SA TINDI ng galit at pagkadesmaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, talagang gusto niyang maglahong parang bula ang Manila Water ng mga Ayala at Maynilad ni Manuel V. Pangilinan bilang concessionaires ng Metropolitan and Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa paghahatid ng tubig sa sambayanan.
Isa sa mga ikinabuwisit ng pangulo ang paniningil ng Manila Water ng P7.39 bilyon sa utos ng Singaporean Court dahil nalugi umano ang concessionaire nang hindi pumayag ang gobyernong Filipino na magtaas ng singil sa tubig.
Wala naman tayong tutol at sa totoo lang natutuwa tayo sa pagmamalasakit ni Pangulong Digong sa sambayanan.
Siyempre, tubig ‘yan, basic need ‘yan at isa sa pinaka-importanteng pangangailangan ng isang tao, bakit nga naman nila ‘hoholdapin’ ang gobyerno?!
Ang tubig na isinusuplay nila ay mula sa natural resources ng bansa, bakit naman nila masyadong ikino-commercialize?!
Wattafak!
Pero ang ipinagtataka natin ngayon, kung sisibakin ng Pangulo ang dalawang concessionaires bakit naman Crime ‘este Prime Water pa ang naisipan niyang biyayaan ng konsesyon?!
Hindi kaya alam ng Presidente kung gaano kabulok ang sistema ng Prime Water at kung gaano kaprehuwisyong disbentaha ang mapapala ng sambayanan kung ang kompanyang pag-aari ng pamilya Villar ang magiging concessionaire ng MWSS para mag-supply ng tubig sa bawat sambahayang Pinoy?!
Sabi nga ng mga lungsod o munisipalidad na biktima ng Crime ‘este Prime water, kung dati rati ay tuloy-tuloy ang serbisyo ng tubig sa lugar nila, walang amoy, at malinis, nang dumating ang Prime Water lahat ng klase ng kunsumisyon sinapit nila.
Sumirit ang minimum pay, marumi ang tubig — mula kulay kapeng may gatas hanggang sa tubig na kulay pusali — higit sa lahat may amoy ang tubig na tila galing sa sinalang tubig mula sa septic tank.
Alam kaya ng Pangulo ‘yan?!
Sana’y malaman ni Pangulong Digong kung anong serbisyo mayroon ang Prime Water para huwag niyang tuluyang ibigay sa mga Villar ang konsesyon sa tubig.
Kung ‘naholdap’ tayo ng Manila Water at Maynilad, itong Prime Water higit pa sa pandarambong ang gagawin sa atin.
Aba, gusto na nating maniwala — Manny er money is too big from Philippine’s ‘TUBIG.’
Moderate your greed naman!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap