Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Hernandez, wish maging bahagi ng isang teleserye

Natutuwa si Paul Hernandez dahil after mabigyan ng magandang papel sa pe­likulang Marineros ni Direk Anthony Hernandez, isang online commercial naman ang dumating sa kanya.

Kasama ni Paul sa naturang TVC si Jef Gaitan, napapanood sila sa commercial ng Jinro Soju, isang kilalang brand ng liquor na nag-originate sa South Korea. Thankful si Paul sa manager ni Jef na si Ms. Therese dahil siya ang tumulong sa Cebuano actor para makasali sa nasabing commercial.

Nagpahayag ng kagalakan si Paul sa panibagong blessing na ito. “Masaya po, so­brang saya na nakakuha ako ng TV com­mercial. Although as of now, focus muna ako sa school kasi finals na namin. Busy sa thesis, pero sa second sem ay magma-Manila base na ako. Para mag-workshop and hanap na rin ng mga raket, hehehe,” saad ni Paul na isang 4th year college sa kursong Business Administration (BSBA) sa Northeastern Cebu Colleges (NCC).

Ipalalabas din ba sa Korea ang kanilang commercial? “Wala po akong idea kung lalabas din sa korea itong aming TVC,” matipid na sambit ni Paul.

Ano ang reaction ng manager niyang si Direk Anthony na mayroon na rin siyang TVC ngayon?

“Direk is very happy naman po, very-very happy,” aniya pa.

Bukod sa kanilang Jinro Soju commercial, inusisa rin namin ang next movie ni Paul. “Yes po, this December may next project na raw po ako.”

Nabanggit din ni Paul na wish niyang magkaroon ng teleserye, someday. “Dream ko po talaga iyan, kahit anong role po basta payag si Direk Anthony as my manager. Me and direk is so happy na may improvement sa career ko.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …