Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Male personality, mabilis magtsugi ng trabahador

MAY ‘di pala kagandahang ugali ang isang tanyag na male personality  pagdating sa pera.

Kuwento ito tungkol sa rati niyang tauhang babae na pinagkatiwalaan niyang tumulong sa ginagawang special event. Isang patimpalak ‘yon ng kagandahan na nakuha nila ang rights mula sa isang banyagang holder para rito sa bansa idaos.

Ang bebae ang siyang utak sa likod ng madugong iskrip ng naturang pagtatanghal.

Nabayaran naman siya ng lalaking personalidad, tseke nga lang.

Makaraan ng noo’y inaabot na tatlong araw bago ma-clear ang tseke sa banko ay humahangos ang babae sa opisina ng lalaki para sabihing tumalbog ito at hindi niya nagawang tumataginting na pera na katumbas ng kanyang trabaho.

Mabango ang imahe ng lalaking personalidad sa showbiz. Sa katunayan, aabot na sa tatlo ang kanyang kompanya na nasa iba’t ibang linya sa mundo ng entertainment.

Ang latest, isang tauhan niyang babae rin na matagal nang naglilingkod sa kanya ang basta na lang niya tinanggalan ng kapangyarihan gayong mataas ang posisyon nito.

Da who ang male personality na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Ka Tunying de Vera.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …