ANG mahusay na aktres na si Iza Calzado ay isa sa tampok sa pelikulang Culion na entry sa darating na 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong Pasko. Mula sa pamamahala ni Direk Alvin Yapan, co-stars dito ni Iza sina Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith. Joem Bascon, at iba pa.
Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, ang Culion ay isang period film hinggil sa tatlong babaeng may Hansen’s disease na kilala rin sa tawag na ketong na sina Anna (Iza), Ditas (Meryll) at Doris (Jasmine). Sila’y pinagbuklod ng kanilang mga karanasan sa buhay noong panahong ang nasabing sakit ay pinandidirihan pa.
Nabanggit ni Iza, ang importanteng mensahe ng pelikula at ang social commentary nito. “Sobrang importante ng piyesa na ang hamon sa iyo, unang-una ay bigyang-buhay mo ‘yung character mo. Ikalawa, bigyan hustisya ang panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Alvin Yapan.” Wika niya, “So parang every scene, walang tapon. Kasi kapag nagsulat si Ricky Lee, lahat ay may ibig sabihin talaga.
“Interesting siya because it’s an ensemble casts, a strong one at that. Interesting siya because marami ang hindi nakaaalam na nagkaroon ng leper colony noon, immersion ng 1940s na Culion. Medyo challenging dahil kailangan naming mag-prosthetics, kailangan din naming damahin kung ano ba ang pinagdaanan ng mga taong may leprosy…Paano nila napagtagumpayan ang stigma…”
Si Judy Ann Santos ay Mindanao ni Direk Brillante Mendoza ang entry na co-star naman si Allen Dizon. Nang usisain sa posibilidad na sila ang magsasalpukan dito sa pagka-Best Actress ni Juday, nakatawang sambit niya: “Kanya ang award, akin ang cash!”
Pero inilinaw ni Iza na hindi niya iniisip talaga ang award. “Hindi ko pa kasi iniisip talaga iyong award-award, kasi, sa totoo lang, today ang iniisip ko lang, gusto kong makapasok kami (sa MMFF), iyon ang wish namin.”
Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, bahagi rin ng casts ng Culion sina Suzette Ranillo, Mike Liwag, Lee O’Brien, Nico Locco, Rex Lantano, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio