Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

9 sangkot sa droga timbog sa buybust

ARESTADO ang siyam katao na nasa drug watch­list ng pulisya sa isinagawang magka­hiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi.

Batay sa ulat ni  P/SSgt. Carlos Erasquin, Jr., dakong 11:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa bahay ng suspek na kinilalang si John Sese, alyas Adiong, 34 anyos, residente sa Pitacion St., Elysian Subd., Brgy. Marulas.

Nagawang makaiskor ni P/Cpl. Arvin Lirag na nagpanggap na poseur-buyer ng isang sachet ng shabu sa suspek kapalit ng P200 marked money at nang magbigay ng signal na nagkaabutan na, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban si Sese, kasama si Nicanora Tem­blique, alyas Nica, 29 anyos, barista.

Narekober kay Sese ang isang coin purse na naglalaman ng 14 plastic sachets ng shabu, buy bust money, P400 cash at maliit na timbangan.

Natimbog din si Melvin Cabuyao, 30, at Jestoni Salayong, 32, flagman, matapos maku­haan ng tig-isang sachet ng shabu.

Samantala, nasakote rin ng mga operatiba ng SDEU Team 4 sa buy bust operation sa Block 2 Lot 16 De Gula Compound, Gen. T. De Leon, dakong 11:30 pm si John Michael Ogsimer, alyas Kamote, 26 anyos, Adrian Nonato, 20 anyos, Rody Ogsimer, 53 anyos, Darwin Maca­alay, 37 anyos, at Rene­mar Agag, 40.

Nakompiska sa mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu, at isang nakabukas na sachet ng shabu, P300 buy bust money, P200 cash at ilang drug paraphernalia.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …