Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Labor leader itinumba sa Laguna (‘De facto martial law’ hirit ng militante)

ISANG lider manggagawa at coordinator ng Makabayan nitong nakaraang halalan, Mayo 2019 ang pinaslang sa lungsod ng Cabuyao, sa lalawigan ng Laguna nitong Lunes ng gabi, 5 No­byembre.

Sa ulat mula sa Laguna police, naglalakad ang bikti­mang kinilalang si Reynaldo Mala­borbor, 61 anyos, kasama ang kaniyang asawa malapit sa kanilang tahanan sa Bgy. Banay-Banay nang barilin ng sus­pek mula sa likuran dakong 9:30 pm.

Ayon sa pulisya, agad tumakbo palayo ang suspek.

Sa isang pahayag, mariing kinondena nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at party-list representative Carlos Isagani Zarate ang anila’y “extrajudicial” na pagpatay kay Malaborbor.

Naniniwala ang grupo nina Colmenares at Zarate, ito ay bahagi ng “de facto martial law” na unti-unting gumagapang papasok sa mga komunidad.

Miyembro si Malaborbor ng Alyansa ng mga Mang­gagawa sa Pook Industriyal ng Laguna (AMPIL) bago siya naaresto noong 2010 kasama ng limang iba pang aktibista sa bayan ng Lumban, sa hinalang may kaugnayan siya sa New People’s Army (NPA).

Nakalaya si Malaborbor at ang iba niyang kasama na tinaguriang “Lumban 6” noong taong 2015.

Noong Hulyo 2019, inaresto ng pulisya at militar ang anak ni Malaborbor na si Irvine sa lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa paratang na siya umano ay NPA intelligence officer at sinampahan din ng kasong illegal possession of fire­arms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …