Monday , December 23 2024

Amendments sa budget isapubliko sa websites

DAPAT isapubliko ng mga mambabatas ang kanilang isinusulong na amendments sa pambansang badyet para sa susunod na taon, sa pamamagitan ng kanilang websites.

Ito ang naging hamon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga kasamahan sa lehislatura upang tiyaking walang ‘pork’ ang mga pondong nakapaloob sa 2020 national budget.

Sa pagbubunyag ng senador, nakaugalian na ng ilang mambabatas na ibulong na lamang o kaya’y isulat sa napkin ang kani­lang individual amendments, at isumite ito sa chairperson ng finance o appropriations committee. Dahil sa kala-karang ito, karaniwang na-uuwi sa bulsa ng mga mam-babatas ang malaking ba-hagi ng pondo para sa mga proyekto na isinulong nila sa pama­magitan ng individual amendments.

Una nang ipinaskil ni Lacson sa kanyang web­site ang mga institutional amendments na isinulong niya para sa pambansang gastusin para sa 2019.

Ang institutional amend­ments ay base sa kahilingan ng mga ahensiya para sa prayoridad na proyekto bukod sa una nilang naisumite. Dumaan ang ganitong klaseng amend­ment sa pagpaplano at pagsusuri.

Ang individual amend­ments ay isinusulong ng mga mambabatas. Kadala­san, wala silang konsul-tasyon sa mga implementing agency. Maaaring ituring na pork barrel ang individual amendments base sa ruling ng Korte Suprema noong 2013, na sakop ang “all informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.”

Kung lahat ng amend-ments ay mailalagay umano sa websites, magiging klaro ito sa publiko at mawawala rin ang pagdududa na nagbubulsa ng pondo ang mga mambabatas.

Para sa mambabatas, pinakamainam na magkaroon ng transparency.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *