Friday , August 22 2025
arrest posas

3 sangkot sa droga timbog sa buy bust

TATLONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Capt. Segundino Bulan, Jr., ang mga suspek na sina Mark Anthony Bitao, Nelson Re­yes, at Roderick Momay.

Sa ulat  ni SDEU chief P/SSgt. Julius Congson kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, isina­gawa ng mga operatiba  ang buy bust operation la­ban sa mga sus­pek sa harap ng Corinthian School  na matatagpuan sa Brgy, Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod dakong 11:30 pm.

Matapos iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang tatlo.

Nakuha sa mga suspek ang ilan pang plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money, P400 cash, isang Winston cigarette pack, cellphone at isang walang laman na transparent plastic sachet. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Bintang itinanggi kasabay ng resignasyon
VAPE NA AMOY UBAS HINDI MARIJUANA ­— NADIA MONTENEGRO

NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla ang aktres na …

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *