Tuesday , May 6 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Rush hour commute challenge ni Panelo abangan at bantayan

MARAMING ‘excited’ sa gagawing challenge ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo — ang rush hour commute challenge.

Ito ay hamon sa kanya ng ider ng mga militanteng si Renato Reyes matapos niyang sabihin na wala pang krisis sa transportasyon kasi nakararating pa naman daw sa kanilang paroroonan ang mga pasahero.

Kaya hayan, hinamon si Panelo na sumakay ng jeep, LRT o MRT during rush hour para patunayan niyang wala pang krisis sa transportasyon.

Ang hamon, gawin niya nang walang bodyguard walang VIP treatment, walang hawi boys at during rush hour. At dapat din siyang pumila.

Kumasa naman si Secretary Panelo pero ayaw niyang sabihin kung paano niya gagawin. Nagboluntaryo pa ng ruta ang naghamon na si Nato Reyes. Basta sorpresa umano ang sabi ni Panelo.

Tumanggi naman si Transportation Secretary Art Tugade na lumahok sa challenge kasi nagko-commute naman daw talaga siya pero hindi niya umano kailangan ipagyabang o i-announce.

Kaya ngayong araw, dapat tindigan ni Panelo ang kanyang pahayag na wala pang krisis sa transportasyon.

Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Panelo kapag naramdaman na niya ang narara­nasan ng mga pangkaraniwang mamamayan sa araw-araw.

‘Yung gumigising sila nang maaga, pipila sa sakayan ng jeep o UV Express at ganoon din sa LRT at MRT.

Sana, isama rin ni Secretary Panelo ang mga opisyal ng LRTA, MRT, LTO, at LTFRB, para maranasan  nila ang pagdurusang nararanasan ng mga mamamayan araw-araw.

Abangan natin mga suki, ang challenge nina Salvador at Renato.

 

SANDRA CAM
ITINUTURO
NG PAMILYA
NI VM YUZON

NASASANGKOT na naman sa kontrobersiya si kasalukuyang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) official Sandra Cam.

Siya ang pinaghihinalaang sangkot o utak sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuzon III dahil ang mga nahuling suspek ay mga pulis-Masbate at ang isa umano ay driver-bodyguard ni Manay Sandra.

Arayku!

Pero galit na itinatanggi ito ni Sandra Cam. Wala umano silang kinalaman sa pagpaslang sa naturang vice mayor.

Mabigat ang papel na gagampanan ngayon ng pulisya sa kasong ito.

Nasa kamay ng Manila Police District (MPD) kung paano mapapatunayan ng magkabilang kampo ang kanilang mga alegasyon at kontra-alegasyon.

Abangan!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *