Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa 100 days ng Bagong Maynila: Barangay chairpersons hinamon ni Yorme Isko

ISANTABI ang politika at harapin ang bagong hamon na pagkakaisa para sa ikagaganda at kaayusan ng lungsod ng Maynila.

Ito ang hamon ni Manila Mayor Isko More­no sa 896 barangay chair­persons at pangunahing departamento ng lungsod kasabay ng nilagdaang Executive Order No. 43 sa kanyang “The Capital Report: The First 100 Days of Bagong Maynila” sa ginanap na City Develop­ment Council Convention 2019 sa Philippine Inter­national Convention Center (PICC), nitong Martes ng umaga.

Sa nasabing kautu­san, inoobliga ng alkalde ang lahat ng barangay chairman na magsagawa ng weekly clean-up drive sa kanilang nasasakupan.

Paliwanag ng alkalde, hindi nagtatapos sa 60 days ang clearing ope­ration ng Departmemt of Interior and Local Government (DILG) dahil magpapatuloy aniya ang paglilinis sa lahat ng kalsada sa lungsod.

Pagdating sa kanyang mga kritiko, sinabi ni Isko,  hindi siya kailanman nagtanim ng galit o naghangad ng paghihiganti sa kanyang mga kritiko.

Inihayag din niya ang kanyang mga nagawang reporma at mga naging proyekto na pinakikina­bangan ngayon ng pu­bliko.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …