Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil sa mabahong amoy… 2 empleyado ng oil factory hinimatay

DAHIL sa nalanghap na mabahong amoy na kanilang ikinahilo at ikinahimatay, isinugod sa ospital ang 11 empleyado ng pabrika sa Caloocan City, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Noel Flores, si Limwell Ibe, 31, at Bobby Benitez, 24, kapwa nagtatrabaho bilang waste and water treatment plant operators ay kasalukuyang naka-confine sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang hinihintay ang resulta ng toxicologist na sumuri sa epekto ng chemicals o usok sa kanilang katawan.

Samantala, ang siyam na iba pa ay pinayagan nang makauwi matapos sumailalim sa pagsusuring medikal.

Dakong 9:15 am, nililinis ng mga biktima ang grease trap ng Trans Asia Phils Manufacturing Industries Corp., na matatagpuan sa Golden Road, Gen. Luis St., Caloocan Industrial Sub­division, Kaybiga, Brgy. 166, nang mawalan ng malay dahil sa nalanghap na mabahong amoy.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa EAMC, kasama ang siyam pang empleyado na nahilo at nahirapan din huminga nang malang­hap din ang mabahong amoy.

Itinanggi ng Manage­ment ng Trans Asia ang naunang pahayag ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) na ang dalawang empleyado ay nanghina matapos maka­amoy ng hydrogen sulfate habang naglilinis ng grease trap.

Sinabi ni plant man­ager Rodel Gomez, walang chemical o gas leak at inilinaw na si Benitez at Ibe ay nawalan ng malay matapos maamoy ang sobrang bahong amoy sa loob ng grease trap.

Patuloy ang isina­sagawang imbestigasyon upang mabatid kung ang chemical na tumagas ay hindi makaaapekto sa paligid ng kabahayan at maging sa mga emple­yado nito.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …