Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seksi pero senglot na modelo ng Star Magic nang-araro ng 5 motorsiklo (3 sugatan)

SUGATAN ang tatlo katao makaraang araro­hin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang limang motorsiklo na sumalpok sa isang lote sa Pablo Ocampo St., kanto ng Adriatico St., sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, mabilis ang andar ng kulay itim na Mitsubishi Montero na sumagasa sa limang motorsiklo.

Kinilala ang driver ng Black Montero na si Andrea Abdon, 25-anyos, nagpakilalang modelo ng Star Magic.

Ayon sa barangay tanod na si Lawrence Nabua, amoy alak ang babaeng driver ng SUV at ang kasama nitong lalaki.

Dakong 3:00 am ka­ha­pon, Huwebes, 3 Oktubre, nang ararohin ng Balck Montero ang limang motorsiklo na pawang wasak at halos ‘di na mapapakinabangan.

Sugatan din ang nakatayo sa lugar na nahagip ng SUV.

Kinilala ang mga sugatan na sina Collin Ugali, 23; Maricel Cawili, 23; at Danica Diputado, 21 anyos.

Bukod sa tatlong nasaktan at mga motor­siklong nasira, tinamaan din ang mga kontador ng tubig sa lugar.

Kaugnay nito, patu­loy na bina-bash ng neti­zens sa social media si Abdon, dahil hindi uma­no nagbayad o naglabas kahit kusing para sa kanyang mga nasira at nasaktan.

Sinabi umano ni Abdon na nawawala ang kanyang wallet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …