Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Anti-consumer ang DTI

KUNG tutuusin, hindi naman talaga nagsisilbi sa interes ng maliliit na mamimili ang Department of Trade and Industry (DTI) at sa halip, masasabing higit na nakatuon sila kung paano mabibigyan ng proteksiyon ang mga negosyante.

Kung ganito ang inaasal ng  DTI, kawawa naman ang mga consumer dahil wala silang masu­su­lingan o mapagsusumbungan kung patu­loy ang pagsasamantala ng mga manufacturer sa kanilang mga ipinagbibiling produkto.

Malinaw sa mandato ng DTI ang tinatawag na consumer protection program pero lumalabas na taliwas ito sa kanilang mga aksiyon dahil kung mayroon mang kahilingan ang mga negosyante na magtaas ng kanilang produkto ay mabilis nila itong napagbibigyan.

Wala rin silbi ang sinasabing Suggested Retail Price o SRP ng DTI dahil kung tutuusin tunay na price increase ito ng mga panindang produkto, at ang masakit maaari itong baguhin at itaas ng mga negosyante.

Para hindi maakusahan ng mga mamimili ang DTI na kampi sila sa mga negosyante, gagamitin nila ang SRP pero sa katunayan isang pama­maraan ito ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

At ngayong Oktubre, maglalabas ng bagong SRP ang DTI nang walang kalaban-laban ang maliliit na consumers.  Hindi nila alam kung ano ang naging batayan kung bakit pinayagan ng DTI ang pagtataas ng presyo ng mga manufacturer.

Nakapalaki ng tubo o profit ng mga  manufacturer kompara sa maliliit na mamimili na halos isang kahig-isang tuka lang dahil sa kakarampot nilang suweldo.  At talagang nakapagtataka kung bakit sa isang iglap lang ay napagbibigyan kaagad ng DTI ang price increase ng mga negosyante.

Kahit ang mga convenience store, lalo ang 7-eleven halatang pinapaboran ng DTI. Nang pumutok ang usapin sa mataas na presyo ng mga bilihin ng mga convenience store mabilis na ipinagtanggol ng DTI.

Katuwiran ng DTI, kesyo 24/7 daw ang operasyon nito at naka-aircon kaya makatu­wiran daw na mataas ang presyo ng mga produktong nabibili rito. Pero hindi masagot ng DTI ang usapin ng limitasyon sa pagtaas. Sino ang magtatakda kung dapat o wasto na ba ang kanilang itinaas sa isang produkto.

Walang maaasahan ang mga consumer sa DTI. Ang mandato na bigyan ng proteksiyon ang maliliit na mamimili ay hindi ginagawa ng ahensiyang ito at halatang kontra sa mga consumer.

Kailangan kumilos si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa palpak na ginagawa ng DTI at sibakin kaagad ang mga namumuno rito at palitan ng mga tao na higit na may malasakit sa mga mamimili. Isa ang DTI ngayon sa sumisira sa imahen ng administrasyong Duterte, at dapat itong gawan agad ng aksiyon ng pangulo.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *