Saturday , November 23 2024

3 taon sa Kamara… Maikli sa OPM na politiko, “Tatlong Taong Walang Diyos” para sa constituents na nabibiktima ng mga napakong pangako

ISA pala sa tinatrabaho sa Kamara ang pagpapalawig ng termino ng mga kongresista, opisyal ng mga probinsiya, mga lungsod, at mga bayan.

Mula sa tatlong taon ‘e gustong gawin ng mga  kongresista na limang taon ang termino ng panunungkulan.

Isa ito sa ihahaing panukala o susog ng committee on constitutional amendments na planong iendoso ng Kamara.

Mismong si Speaker Alan Peter Cayetano ay sinabing pabor siya kung mapalalawig hanggang apat o limang taon ang kanilang panunungkulan.

Ayon mismo kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng committee, mayroon umanong lumalawak na consensus sa hanay ng mga miyembro ng panel.

Sina Rep. Rufus at Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., ng Pampanga ang may-akda ng resolusyong nagnanais na baguhin ang economic and political provisions sa umiiral na saligang batas ng bansa.

Ilan sa mga basehan ni Gonzales, ang tatlong taon umano ay masyadong maikli para makapagsabatas o makapagpatupad ng makabuluhang reporma, mga proyekto, at pagbabago sa mga distrito at local government units (LGUs).

Aniya, “The first year is spent on organizing the office and staff and learning the ropes, if you are a neophyte. On the second year, you try to do serious work. On the third year, you begin campaigning for the next elections. So effectively, only one year, or a year-and-a-half at most, is devoted to work.”

Kaya kung limang taon ang magiging termino, mas marami umanong ‘magagawa’ ang mga mambabatas. Magagawang ano?

Sabi nga ng isang kongresistang madalas nating nakahuhuntahan, ang termino nilang tatlong taon ay halos nauubos lang sa ‘panliligaw’ sa con­stituents. Kaya kapos na kapos na raw para ‘tuparin’ ang mga naipangako nila, I mean para makapag­serbisyo na sila.

‘Yun naman pala.

Kaya naman pala ang mga pangako nila’y laging napapako sa kanilang constituents.

Pero kung tutuusin, ‘yang tanglong-taong termino ng mga mambabatas at iba pang elected officials ay maikli lang talaga para sa kanila, pero sa mga constituents na nakatiyempo ng mga buraot at politikong makakapal ang mukha, parang pelikula ni Nora Aunor ‘yan. Nagiging “Tatlong Taong Walang Diyos” ang buhay ng mga mama­mayan.

Parang walang nakaririnig sa kanilang mga hinaing at sila’y namumuhay nang miserable at laging parang mga timawang nakikiusap sa mga politikong sila ang nagluklok sa posisyon.

Tapos gagawing limang taon?!

E bakit noong sinusuportahan ng mga mamamayan ang anti-dynasty law, hindi naman minadaling isabatas ng Kongreso?!

Mas mabilis bang makapangalap ng consensus kapag dagdag-power sa mga politiko kaysa ‘pagkapon’ sa kapangyarihan ng angkan-angkang politiko sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno?!

Nagtatanong po ang mga mamamayan ng bayang magiliw…          

Pakisagot lang po!       

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *