Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, consistent sa pagiging glamorosa

ANG daming memes hanggang ngayon sa naging gown ni Kim Chiu sa katatapos na ABS-CBN Ball 2019. Ginawang raket ng badminton, missile, shawarma at kung ano-ano pa.

Sa totoo lang, pinag-usapan talaga ang kanyang gown that evening. Umani ng papuri sa mga nakaiintindi ng kanyang gown at panlalait sa mga walang magawa sa buhay at insecure.

Pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung imitation o kinopya ito at kung ano-ano pa. Dahil noong gabing iyon ay muling pinatunayan ni Kim ang kanyang pagiging sopistikada at glamorosa dahil isa ang gown niya sa nakita naming napaka-elegante that night.

Kung sinasabi ng mga inggitero at inggitera na nagamit na itong gown at nanalo na sa isang beauty pageant, pakialam ko sa inyo.

Unang-una ay nilinaw naman ni Kim ang history ng nasabing gown na kanyang ginamit noh!

Si Kim ay isa lamang sa naging consistent sa pagiging glamorosa every ABS-CBN Ball since 2015 up to 2019 at mismong mga designer ang nagsabing she’s a doll to dress.

Kim Chiu is Kim Chiu para sa akin dahil she has consistently maintained herself being one of the best dressed celebrities lalo na pagdating sa mga okasyong tulad ng ABS-CBN Ball noh.

Class na class si Kim at may bearing siya at walang makapapantay sa kanya sa totoo lang. Sorry to say that pero ‘yan naman talaga ang totoo.

Higit sa lahat, gusto rin naming iparating na may puso si Kim dahil para lang sa kaalaman ng lahat, Kim chose that dress para makatulong sa mga batang designers at ‘yun ang concrete reason why.

Oo nga naman, kapag ako ang designer, naku, bakit ako kukuha ng isang laos na celebrity para isuot ang gawa ko? Kukuha ako siyempre ng isang sikat lalo na’t irarampa ito sa isang big event.

Tama ba ako? Hay naku! Palagay niyo? Kung ipinasuot kaya ‘yun sa iba, mabibigyang pansin kaya ito? Of course not.

Meaning trusted and most loved talaga si Kim pagdating sa rampahan dahil alam nilang keribels ito ni Kim and top designers na mismo ang magsasabi sa inyo.

Sa pagrampa ng isang kasuotan, mahalaga kasi ang mga salitang classy look, bearing and justice and proven ng Kim as always giving justice to every designers creation. ‘Yun ‘yun.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …