Saturday , November 23 2024
bagman money

‘Pork’ sa budget ‘di tatantanan ni Senator Ping

HINDI baboy na may African Swine Flu (ASF) ang nilalabanan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kundi ang ‘pork barrel’ na pinagsususpetsahan niyang ‘isiningit’ sa P4.1 trilyong inaprobahang national budget para sa 2020.

Ito yata ‘yung sinabi ni Rep. Joey Salceda na tig-P100 milyones budget para sa mga kongresista?!

Pero umalma ang deputy speakers, hindi raw totoo na ‘pork’ ‘yun.

Maging si Deputy Speaker Fredenil Castro ng Capiz ay hinamon si Senator Ping na dapat mag-sorry dahil sa pagsira umano sa imahen ng Kamara.

Sa pag-usad ng araw, nakakuha pa ng kakampi si Senator Ping kay Senator pork ‘este Frank Drilon.

‘Yan nagalit na naman ang mga kongresista at binansagan silang mga ‘obstruction’ sa reporma ni Pangulong Digong.

E bakit nga naman hindi muna hintaying makarating sa Senado ang opisyal na trans­misyon ng 2020 national budget nang sa ngayon ay magkaigihan sa debate at deliberasyon.

Pero hindi bibiruin ng mamamayan ang tig-P100 milyones ng mga kongresista kung totoo ‘yan.

Ang laki na ng debt service na pinapasan ng taxpayers, sana naman ay huwag nang maging bulanggugo ang mga mambabatas sa paggastos ng pondong itatakda sa ilalim ng General Appropriation Act para sa 2020.

Gusto natin na mayroong mga mambabatas na nagbabantay sa deliberasyon ng national budget, pero sana naman huwag itong salaulain ng ‘pamomolitika’ lalo na kung para naman sa mga pagbabagong matagal na nating hini­hintay.

Mantakin naman ninyo, traffic lang sa EDSA kung saan-saan na sumasalipawpaw ang utak ng mga mambabatas at ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya?!

Kung nakikita naman na ang trilyong budget na ‘yan ay magdudulot ng kaginhawaan at pag-unlad huwag nang kontrahin pa.

Dahil sa maingay na pagkontra nina senators Ping & Frank Drilon, tiyak na maraming mag-aabang sa deliberasyon ng national budget sa Senado.

Hihintayin po namin ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *