Monday , December 23 2024

Nagtatanong lang po… Ninja cops issue, binuhay?

MASALIMUOT na naman ang usapang “ninja cops” – anang Philippine Drug Enforcement Unit este Agency pala (PDEA), buhay at patuloy pa rin na kumakana ang ninja cops.

Teka, nabanggit po natin ang unit ng ahensiya dahil sa mga nagdaang araw, talo yata ng Philippine National Police (PNP) ang PDEA sa mga nahuhuling malalaking isda ngayon at nako­kompiskahan nang milyon-milyon o bilyon-bilyong halaga ng shabu at iba pang klase ng ipinag­babawal na droga.

Kamakailan lang, magkakasunod ang malalaking operasyon ng PNP partikular ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni P/MGen. Guillermo Eleazar.

Kabilang nga sa malalaking huli ay pawang galamay ng mga nakakulong na drug lord sa Bilibid.

Hindi naman sa ikinokompara natin ang PDEA sa PNP at sa halip, nasaan na ang PDEA. Tila gramo-gramo o kahit na paano ay may isang kilo o dalawa silang nakokompiska sa mga nagdaang linggo.

Bukod dito, totoo kaya na ang nangyayari para masabing may trabaho ang PNP ay isinasabit na lamang ang ahensiya sa after operation drug reports ng PNP, partikular sa police stations operations? Nagtatanong lang po tayo ha at hindi nag-aakusa.

Anyway, required kasi na bago kumilos ang PNP, kinakailangan na mayroon silang coordination sa PDEA. Iyan naman ay tama.

Bagamat, unfair sa PDEA, may mga paminsan-minsan din silang malalaking trabaho nitong mga nagdaang linggo. Ha! Nasaan? Hehehe…pero, kailan ba iyong huling malaking trabaho ng PDEA? Kailan nga ba? Hindi ko na yata matandaan. Pero wala akong sakit na kalimot ha. Mayroon naman siguro…at hindi lang tayo up to date dahil knowing Gen. Aaron Aquino, isang malaking opisyal na ang mama.

Sa totoo lang kasi o ang nararapat, ang PDEA ang mas may malalaking huli kaysa PNP dahil laban sa droga lang ang kanilang misyon habang ang PNP ay laban sa lahat ng klase ng kriminalidad.

Nakapagtataka naman kung bakit bigla na lamang nagdadaldal ang PDEA – oo,  matapos ang malalaking trabaho ng NCRPO ay biglang nagngangawa ang pamunuan ng PDEA na, buhay na naman daw ang ninja cops o maraming pulis pa rin ang nagre-recycle ng nakompiskahang droga/shabu. May mga listahan pa nga raw sila.

Tama! May listahan ang PDEA lamang, ang nakatatawa sa listahan  ay karamihan pala sa kanila ay dedo na. Napatay sa iba’t ibang operasyon ng PNP. Bukod dito, marami na rin ang nadakip habang iyong mga aktibo noon ay nag-AWOL matapos malaman na hinahanting sila ng PNP. Kaya, hindi na sila mga pulis para sabihin na marami pang ninja cops.

Sabi naman ni Eleazar, kung salaking mayroon man mga aktibo pa rin sa serbisyo na kabilang sa ninja cops (tulad ng sinasabi ng PDEA), ito ay kanilang hahalukayin para tuldukan ang kanilang kalokohan.

Heto lang naman ay kung mayroon pa, hindi ba mga kababayan. At kung mayroon man, malamang na hindi ito makalulusot sa PNP partikular sa NCRPO lalo kung ang mga pulis na nakatalaga sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila.

Pero ang tanong, bakit kaya bigla na lamang pumutok ang isyung ninja cops ngayong nalalapit na ang pagretiro ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde…habang  putok na putok na maaaring ipapalit sa trono ni Albayalde ay si Eleazar?

Wala lang, nagtatanong lang naman tayo.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *