PAGKATAPOS maaprobahan ang P4.1 bilyong pambansang budget, minarapat ng mga lider ng Kamara na pag-usapan ang charter change o cha-cha.
Ang pakay, pormal na pinag-usapan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, na amyendahan ang mga probisyong nakahahadlang sa pagpasok ng foreign investors.
Ayon sa mga mambabatas na nagsususlong nito, layon ng cha-cha ang pahintulutan ang dayuhan na magkaroon ng 100% ownership sa negosyo sa bansa at sa mga lupain na kasalukuyang ipinagbabawal ng 1987 Constitution.
Sa ilalim ng Konstitusyon, 40% ang puwedeng pag-aari ng mga dayuhang negosyante sa lahat ng mga negosyong papasukin nila sa bansa at hindi rin maaaring magkaroon ng sariling lupa sa Filipinas. (GERRY BALDO)