Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Final 6 ng Clique V, matatag, at ‘di mang-iiwan

HINDI natinag ng kanegahan ang all-male-group na Clique V. Naging matatag sila sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanila nitong mga nakaraang buwan. Mula siyam na miyembro ay anim na lang ang grupo.

Nagkaroon kasi ng problema sa tatlong umalis sa grupo na may ginawang kabalbalan na hindi puwede sa pamamahala ng manager nilang si Len Carillo.

Ang matatag na anim na naiwan ay sina Marco, Sean, Karl, Gelo, Calvin, at Kaizer.

After maging finalists nina Karl at Gelo sa latest season ng Starstruck 2019 ay busy ang dalawa sa kanilang pag-aaral at pagsayaw na kasalukuyang naghihintay din kung anong plano sa kanila ng GMA 7 bilang mga Avenger.

Si Marco naman ay mukhang nalilinya sa pag-arte na nagkaroon naman ng TV guestings. Si Sean ay busy sa school at pinagsasabay din ang commitment sa Clique V.

Sina Kaizer at Calvin naman ay todo-rehearsal kasama ang buong grupo.

When asked about sa kanilang totoong estado bilang male group, masayang ibinalita sa amin ng mga bagets na masaya sila at tuloy pa rin ang buhay.

May panawagan naman sila sa mga kasamahang iniwan sila na mas maganda at maayos ang buhay at pagtupad sa pangarap. ‘Yun ang nakita nila sa pamamahala sa kanila ng 316 Events and Talent Management kaya hindi sila kumakawala sa grupo.

Nanindigan ang final 6 ng Clique V na hinding-hindi nila iiwan ang kanilang Nanay Len dahil naging malaking instrumento ito upang maging masaya at maayos ang kanilang mga buhay. Aside from being busy sa kanilang pag-aaral at pagsasayaw, natutuwa rin ang Clique V sa ginagawa nilang charity works!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …