Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JVA ng AFP at DITO telco iimbestigahan ng Senado

NANINIWALA si Sena­dora Risa Hontiveros na malalagay sa alanganin ang national security ng bansa matapos ang kasunduan sa pagitan ng AFP at ng DITO Telecomunity Corp., na pinapayagan ng AFP na magtayo ng equipment at pasilidad sa loob ng military bases ng bansa.

Dahil dito naghain ng Senate Resolution 137 si Hontiveros na nagla­layong imbestigahan ang naturang kasunduan matapos aminin ni DND Secretary Delfin Loren­zana na wala siyang alam sa naturang kasunduan.

Lumalabas, ang DITO Telecommunity Corp ay dating kontrober­siyal na Mislatel Con­sortium.

Ang naturang kasun­duan sa pagitan ng AFP at DITO Telecommunity Corp na pag-aari ng kaibi­gan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy at ng China State Run Telecom ay labis na pinangangambahan ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, sa panahon na patuloy ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, napaka-iresponsable aniya na pumasok ang gobyerno sa mga kasun­duan sa China na hindi sinusuri ang epekto nito sa pambansang seguri­dad at kaligtasan.

Iginiit ng senadora, ang naturang kasunduan ng AFP at DITO Tele­comunity Corp sa pagpa­payag na magtayo ng mga pasilidad at equip­ment sa loob ng military bases sa bansa ay mali­naw na paglabag sa Section 88 ng Public Land Act na mahigpit na ipinagbabawal sa batas na paupahan o ibenta ang bahagi ng military bases ng bansa nang hindi dumadaan sa kongreso.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …